Rated PG Part 2

20.4K 299 170
                                    

Bago ko simulan ang kwentong ito, babati muna ko.

Binabati ko nga pala yung Wattpad Power Rangers

Ako nga pala ang poging si Red Ranger. Para makilala ang Rangers, basahin nyo ang "Power Rangers Invasion" mula sa Unang Araw ko sa Wattpad ni devilishlystupid

At eto ang misyon namin:

Ang iligtas ang mundo mula sa kapaksyetan! Ang protektahan ang mga inaapi ng nakaraan! At tumulong sa mga alipin ng kalungkutan! 

Wahahaha!

***

Rated PG Part 2

Mag-aalis singko ng hapon kahapon nang pumunta kami ni Enzo sa Mang Inasal para mag-unli rice. PG eh.

Sa Mang Inasal...

Umorder ako ng dalawang PM2 pero hindi available. Mga ilang minuto pa ang kailangang hintayin para sa ibang order. SM1 lang ang ready to serve. Lugi naman kung iyon yung oorderin ko. Hindi unli rice eh. 

Para kong nabagsakan ng natumbang poste ng Meralco nang sabihin ni Ate na 20 mins. pa bago i-serve ang PM1. Kahit tomguts na, sinabi ko na okay lang para makapag-unli rice. Tiis-pogi muna.

"Kuya, pahinging sabaw. Gutom na ko eh. 20 mins pa bago i-serve yung order namin," sabi ko sa isang crew. Pero di ko talaga sinabi iyon. Nakahalata lang siguro siya na PG na kami. Nakatingin lang kasi kami ni Enzo sa area kung saan iniihaw yung mga manok. 

Nagsalin na si Kuya ng sabaw sa dalawang mangkok. Syempre, dahil PG ako, sakin yung maraming sabaw. Mas kailangan ko 'yun eh.

Naka-tatlong rice lang ako. Nabusog na kasi ako dahil sa apat na mangkok na sabaw. Pati yung sabaw ni Enzo, kinuha ko.

***

Bonus story:

Nakasuot ako ng pulang band shirt. Sumakay ako sa Jeep. Natawa ko nang pagtingin ko sa katabi ko sa kaliwa, naka-red na T-shirt din siya. Dahan-dahan akong tumingin sa kanan ko at napamura ko sa isip ko nang makita kong naka-pula din siya! Ang masaklap pa, pagkalipas ng ilang minuto, may pumarang pasahero at syet, tang-ina

naka-red na T-shirt din siya!!! 

Sasayaw ata kaming apat :) 

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon