Nagtimpla ng Kape sa Jeep

27K 295 38
                                    

Para kay Cai, Noreen, at sa lahat ng mahilig magkape.

---

Male-late na ko pero gutom na talaga ko kaya pumunta muna kong McDo para bumili ng french fries at KAPE.

Mga ilang minuto rin akong pumila. Nagmadali na kong lumabas doon at sumakay ng jeep nang maiabot sakin yung order ko. Badtrip lang kasi umuulan pa. 

Ako lang yung pasahero sa jeep pagkasakay ko. Sakto! Makakapagtimpla ko ng kape :D Wahaha!

Hawak ng kaliwa kong kamay yung paper cup. Yung kanan ko namang kamay, hawak yung dalawang sachet ng asukal at dalawang sachet ng creamer. Isipin mo na lang kung pano ko yun natimpla habang umaandar at umaalog yung jeep. Buti na lang action star ako kaya di ako natapunan.

 Ganyan ang epekto pag desperadong magkape :) 

Tagay Tayo!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang