Nagtimpla ako ng kape

13.1K 243 114
                                    

Pasado alas-otso ako nagising. Tomguts na ko kaya bumangon na ko, naghilamos, nagsipilyo, nagsuklay at lumabas ng bahay papunta sa labasan ng subdivision para kumain. Kahit pogi ako, wala naman akong masyadong arte sa pogi kong katawan. Di na ko nagpalit ng damit. Nakasuot lang ako ng manipis na puting t-shirt at purple na shorts. Syet! Hahaha! Seryoso, bukas ko pa kasi makukuha yung mga damit na pina-laundry ko. Pogi pa rin naman ako kahit anong suot ko hahaha

Nakakasawa ring kumain sa fast food at di rin iyon maganda sa pogi kong katawan kaya sa karinderya ko kumain. Sa isang karinderya na kulay dilaw ang dingding, tumingin ako ng mga pagkain. Oorder sana ko ng toge o TOGEther pag marami (hahaha) pero di na ko bumili kasi nainip na ko. Mainipin kasi talaga ko. Isang minuto din akong naghintay pero di ako pinansin nung mga tindera. Masyado silang abala at inuna nila yung mga babaeng naka-formal attire na halatang papasok pa lang sa trabaho. Next time na lang ako kakain ng TOGEther. Lumipat ako sa kabilang karinderya. Umorder ako ng monggo (munggago naman ako eh hahaha) at lechon kawali :)
Pagkatapos kong kumain, umorder ako ng kape. Masyadong abala yung dalawang bantay na babae kaya ako na lang ang nagtimpla ng order kong kape! Pumunta ko sa gilid, kumuha ng kape na nakasampay sa alambre, kumuha ng styrofoam cup, binuksan ang kape, isinalin sa baso, binuksan ang thermos at nagsalin ng mainit na tubig sa baso. Parang bahay ko lang! Hahaha!

At umuwi na ko sa bahay habang umiinom ng kape sa daan. Malapit na kasing magFairy Tail.

Oh kape! A taste of heaven! :)

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now