Bili mo ko

8.1K 175 40
                                    

Kakwentuhan ko si Bobbie, ang aking special buko salad, este special someone kagabi. 

Bobbie: Bili mo ko ng music box.

Ako: Box na lang.

Bobbie: Bili mo na lang ko ng dog. 

Ako: Dog food?

Bobbie: Puppy na lang.

Ako: Anong puppy?

Bobbie: Beagle! 

Ako: Akin yung beagle. Beagle express na lang sayo!

Waley!

Paborito kasi ni Bobbie ang bicol express. 

Bonus story: 
Nakabalik na si Lola sa Countryside galing Bicol kaya binisita ko sila para humingi ng pasalubong. Joke lang! Madalas ko silang bisitahin kasi labs ko sila at maraming pagkain sa bahay. Abot hanggang tenga yung ngiti ko nang buksan ko yung ref kasi may alimango. Maya-maya, kinuha ni Lola yung mga pagkain sa freezer at binigay sakin. Tiningnan ko yung mga pagkain bago ilagay sa eco bag - beef steak, adobong isdang tulingan at pansit. Teka! Walang alimango???! Tapos inabot sakin ni Lola yung 165g na popcorn

Mas gusto ko yung konsepto ng popcorn na nagpapasaya sayo habang nanonood ka ng pelikula kaysa sa alimango na hinihila ka. 

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon