Nang gawin kong kape ang The Bar

119K 945 281
                                    

Meron pa bang hindi nakakaalam kung ano yung kape? Lahat naman tayo alam na kinakain iyon at tinidor ang ginagamit para isubo iyon sa bibig, di ba? 

Dahil usapang kape at alak 'tong kabanatang ito, isisingit ko muna yung kinuwento sakin ng ex ko. Nasa Starbucks kami malapit sa USTe nang ikwento niya 'to sakin. Sinabi kasi ng isa nilang professor na bibigyan niya ng plus grade kung sino mang makakapagtag sa kanya ng picture sa Facebook habang umiinom ng kape. Pero guys, hindi Starbucks yung kape. Alam niyo kung ano?

Kopiko :) 

Sige, game tayo.Tag mo ko sa Facebook habang umiinom ka ng Kopiko o kanit anong 3-in-1 coffee. Pag nagawa mo yun, bibigyan kita ng premyo. Alam mo kung ano? Tatlong sachet ng kape tapos magpapicture ka ulit, tapos tag mo ulit ako. Mukha ka ng tanga nun. Ano? Game ka pa? Hahaha!

Eto na. Ikukwento ko na kung pano ko ginawang kape ang alak. 

Second year college ako nang mangyari 'to. Apat lang kaming nag-iinuman sa dati kong apartment. Wala namang okasyon. Trip lang naming uminom. Wala kaming shot glass kaya sa tasa kami umiinom. Dire-diretso ko lang namang ininom yung isang tasa ng alak. Straight 'yun tropa! 

May video pa nga ko habang nilalagok ko yung alak eh. Nakakbadtrip lang yung tropa ko, di man lang bl-in-uetooth sakin. At ang masaklap pa, di niya inupload sa Youtube. Sayang talaga! Buti na lang, may picture ako kasama yung bote. Naging model muna ko ng The Bar (apple & strawberry flavor, syet, parang bading lang), choco mucho, Tribal, radyo, Aria MacGothic na gitara, Behringer (amplifier), Draven shoes, skateboard deck bago maging freelance model ngayon. Malay mo, sa mga susunod na panahon, model na ko ng BENCH... 



yung mahabang upuan! Hahaha!

Lilinawin ko lang, di ko paborito yung The Bar. Gusto ko yung hard gaya ng Emperador, Black Label, Red Label. London Gin, etc. Dalawang babae kasi yung kasama namin sa inuman kaya may The Bar.

Malakas talaga kong uminom dati. Ngayon, bihira na. Umiinom lang ako pag may okasyon. Birthday ko tuwing July **, February 19 at April 10. Tatlong beses akong ipinanganak kaya ko makulit. Teka, ililista ko na lang para di magulo:


Jan - New Year

Feb -  Valentines day, birthday ko

March - graduation (taun-taon akong gumagraduate), birthday ng kapatid ko

April - birthday ko ulit

May - birthday ng kapatid ko

June - Araw ng Kalayaan - Tagay tayo!!! :D

July - birthday ko na naman

Aug - basta tatlo holiday

Sep - birthday ng kuya ko

Oct - birthday ng tropa ko (Di ko na sinama sa listahan yung iba kong tropa ah)

Nov - birthday ng mama ko

Dec - Pasko


Oh di ba? Sabi ko sayo bihira lang eh. Di ko na sinama sa listahan yung gigs at pag trip lang. Bihira lang talaga.


Aral:

Magkaroon ng 'priority' sa buhay.

Halimbawa:  Bumili muna ng shot glass bago alak.


Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon