Habang nagkakape ako

40.6K 372 74
                                    

Hindi talaga ko nagkakape. Kanina lang, kahapon din pala, tsaka noong nakaraang araw, pati noong mga nagdaang taon. Hindi talaga ko nagkakape.

Nagtimpla ko ng 3-in-1 coffee. Di kasi ako marunong tumantya eh. Tao nga di ko matantya, kape pa kaya.

Umupo na ko sa tapat ng mesa matapos kong timplahin yung kape. Nagtune-in ako sa paborito kong radio station.

Habang nagkakape, inaalala ko iyong matamis at mapait kong panaginip.

Kasama ko kasi si *Tooot* sa panaginip ko. Masaya kaming nag-uusap, nagkukulitan, at naglalakad.

Badtrip lang yung tugtog habang inaalala ko yung panaginip ko. Letse! "Don't touch my Birdie" ng Parokya. Syet! Di nakisama yung kanta. Hahaha!

Di ako bitter sa kanta, idol ko nga sila Pareng Chito eh. Nagsesenti kasi ako tapos yung kanta ano... alam niyo na 'yun. Mas ok sana kung emo yung kanta.

Kasalanan ko naman eh. Tinamad akong ilipat sa ibang radio station. Lesson? Huwag tatamad tamad.

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now