Sa grocery

34.9K 304 15
                                    

Namili ako sa Shopwise kagabi. Natawa ko sa babaeng nasa harap ko kasi dalawang boteng tig-600 ml na vitamin boost lang yung binili niya, eh ang haba ng pila. Sampung taon nga kong naghintay bago makapagbayad eh. Natawa ko kasi ubos na yung energy niya bago pa siya makapagbayad sa cashier, kulang pa yung dalawang bote. Joke.

Ang masaklap pa, nang nagbabayad na ko, nilalapag na nung nasa likod ko yung pinamili niya sa counter. Takteng yan! TALONG, YAKULT at AMPALAYA lang naman yung nakita ko. Waaaaaaahhh!!! Di ako bitter ah. Image nga ng ampalaya yung profile picture ko sa Facebook noong nakaraang araw eh.

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now