Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa MSA Civil Service Reviewer (The New Millenium Edition) dahil marami akong natutunan sa napakaganda nyong reviewer :)
Kung wala ang reviewer niyo, wala ang bahaging ito ng "Tagay Tayo"
Sana po kunin niyo kong cover model ng reviewers niyo. Joke lang po. Hahaha!---
Mag-eexam ng Civil Service si Enzo kaya nagpatulong siya saking magreview.
ENGLISH
SYNONYMS
6. The Ortigas Center is filled with gargantuan buildings, some having up to 50 floors.
a. crowded
b. old and weak
c. first class
d. gigantic
Sumagot agad si Enzo pagkatapos kong magtanong. At ang sagot nya, letter d - gigantic. Alam ko iyon din ang sagot eh, alam ko talaga pero pagtingin ko sa answer key sa likod na bahagi ng reviewer, letter "b" ang sagot!
Tiningnan ko pa ulit, letter b talaga.
Eh dapat talaga letter 'd' kasi maraming matataas na building sa Ortigas. Gala kasi ako dun dati eh, nangchichix hehe
Kinuha ko pa yung tablet ko para tingnan ang meaning ng letseng gargantuan na 'yan sa dictionary pero gigantic talaga ang ibig sabihin.
Tiningnan ko ulit yung answer key..
Syet!!! "Pagkilala sa Mali" pala yung sagot na tiningnan ko. Adik lang hahaha
Lesson: Basa basa rin pag may time.
MATHEMATICS
5. If 23 + 28 + 37 + x + 53 = 168 and
23 + 28 + 40 + y + 50 = 120.
Find the value of x - y?a. 36
b. 48
c. 56
d. 64
Syempre, sinolve ko muna yung unang equation para makuha ko yung value ng "x".
Pagkatapos, sinolve ko naman yung second equation. Eto nakuha ko:27 - (- 21) = ?
Sabi ko, parang wala naman yung sagot sa choices. Kumuha pa ko ng calculator at nagcompute ulit. Sabi ko pa kay Enzo, "Tingnan mo parang wala naman yung sagot dito."
At nagsolve pa ko sa harapan niya.
Siya pa nagturo sakin, pag subtraction, kailangang palitan mo muna yung sign ng 21 tapos proceed to addition.
Yung - 21 magiging 21 [positive], tapos:
21 + 27 = ?
48 pala hehe
Engot langNakalimutan ko na ang rules ng integers. Tsk.
Lesson: Aral aral din pag may time.
YOU ARE READING
Tagay Tayo!
Non-Fictionmga kwentong nakakalasing at siguradong magkakaron ka ng hang-over dahil sa kakornihan