Dancer na singer na feeling artista

17.1K 258 120
                                    

Singer ako noong preschool. Madalas kong kantahin yung "Di ko kayang tanggapin" ni April Boy Regino (with actions pa). Wahahaha!

Noong Christmas Party, pinakanta ko ng teacher ko at dahil magaling akong kumanta, binigyan ako ng teacher ko ng sandok!

Interpretative dancer naman ako noong elementary - mula grade 1 hanggang grade 5. Pero noong grade 4 ako, kumanta ulit ako noong Christmas Party. Di talaga ko kumanta, lip sync lang 'yun!

Busy ako sa academics at extra-curricular activities noong Grade 6. Journalist kasi ako, chess player at contestant sa Battle of the Brains (sa kalokohan). Haha!

Noong first year high school naman, pinasayaw kami ng teacher namin sa Filipino ng "Dayang Dayang". Di ko rin alam kung anong connect basta pogi ako.

Lumipat ako ng school. Noong second year at third year high school, ako ang class mayor. Syempre, pogi ako eh!

Noong fourth year high school, balik ako sa pagiging macho dancer, este, interpretative dancer. Sinayaw namin yung "Heal the World" ni Michael Jackson. Dalawang modern dance naman yung sinayaw namin sa stage nung December. Wag niyo nang alamin kung anong mga sayaw 'yun.

Project namin sa Values Education na tumulong sa mga kapus-palad kaya noong December 2008, nangaroling kami ng mga close kong kaklase para may pondo kami. Marangal na paraan iyon para makalikom ng pera, di gaya ng crotch-grinding! Wahahaha!!!

Lagi akong sinasabihan ni Josephine na ako yung "star" ng grupo. Lima kasi kanto ng mukha ko. Joke lang. Syempre, magaling akong kumanta. 

Summer ng 2009 yung huling tugtog ko.. Nakalas yung strap ng gitara ko habang tumutugtog sa harapan ng mga tao, kaya mula noon, di na ko nagbanda. #mostembarassingmoment
Pogi pa rin naman ako. Pumupunta na lang ako sa mga gig para maki-headbang \m/

Nag-audition din ako noong college sa Cultural Center of the Philippines o CCP para sa indie films pero sobrang pogi ko kasi kaya di ako nakuha. Joke lang. Kailangan kasi nila yung may experience na sa acting kahit extra lang, eh sa speech contestS lang ako nananalo eh. Pero okay lang, di naman nabawasan ang kapogian ko. Hahaha!

... dito na lang muna ko sa Wattpad mag-aartista :)))

Apir mga tropa! :D

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now