Bike at Tricycle

52.2K 563 207
                                    

BIKE

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada nang may makita kong bike na papalapit sakin. Di ko alam kung pupunta ko sa kanan o sa kaliwa kasi baka dun din siya pumunta kaya dire-diretso na lang ako. Di ko alam kung sinong engot samin kasi nagkabungguan kami. Guys, take note: BIKE VS. MEL!!!

Ano sa tingin niyo yung nangyari???











Tumumba siya! At ako ang nanalo. The winner stands alone. Wahahahaha!

Biruin niyo yun, mas malakas pa pala ko sa bike.

---

TRICYCLE

Kakagraduate ko lang sa elementary nang mangyari 'tong aksidente/katangahan na 'to. Naglalaro kami ng mga kalaro ng patintero sa gilid ng kalsada. Gabi na kasi at madilim sa bakuran namin. Isa pa, bihirang may dumaang sasakyan sa kalsada namin kaya doon kami naglaro.

Tumatakbo ako nang biglang may dumaang tricycle. Ang bilis ng mga pangyayari. Basta ang alam ko, gumulong gulong ako sa kalsada.

Tumayo agad ako pagkalagpas ng tricycle. Nakakahiya eh. Tumingin ako sa mga kalaro ko sabay sabing, "Tara! Game na ulit!" habang dumudugo yung hita ko.

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now