Paano kung si emosyon ay...?

9.1K 223 134
                                    

Paano kung ang nagmamay-ari ng Wattpad account ni emosyon ay dalawang tao pala? 

Paano kung si emosyon ay isa palang bakla na mahilig chumorva at madalas sumali at manalo sa mga gay contest sa iba't ibang barangay?

Paano kung si emosyon ay yung bet mong contestant na di nanalo sa That's My Tomboy?

Paano kung si emosyon ay yung poging nakasalubong mo sa mall? 

Paano kung si emosyon ay yung non showbiz boyfriend ng isang sikat na artista?

Paano kung si emosyon ay yung nasa likod mo noong panahong nakapila ka sa McDo para bumili ng chickenjoy at nakapila ka sa Jollibee para umorder ng shake shake fries? 

Paano kung si emosyon ay kapitbahay ni SimSimi?

Paano kung si emosyon ay nakasabay mo na sa pagtakbo noong 10.10.10 para sa Ilog Pasig?

Paano kung si emosyon ay kamukha pala talaga ni Jose?

Paano kung ang account ni emosyon ay pagmamay-ari pala ng isang grupo ng mga tao?
Si Edmond ang nagsulat ng "Emosyon sa Nakalipas na Limang Taon" at gumagawa ng mga emong tula.
Si Mel ang nag-uupdate ng Tagay Tayo.
Si Oliver ang nagsulat ng "Pahiram ng Gabi sa Iyong Tagiliran."
Si Shey ang nagsulat ng "Sa Panaginip na lang ako magiging Masaya."
Si Yummy <Yumi> ang nagsulat ng "The Talong Story."
Si Oliver din ang nagsulat ng diary ng ex nyang si Marga - Talaarawan ng Isang Pvta.
Si Nataria ang nagsulat ng "Sa Dulo ng Bahaghari."

Paano kung si emosyon ay may MPD o Multiple Personality Disorder lang pala?

Paano kung si emosyon ay yung print ad model ng isang brand ng condom na naging pornstar?

Tagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon