Bakit crush ka ng di mo crush?

27K 301 87
                                    

Kung si Ramon Bautista ay may "Bakit di ka crush ng crush mo?", si emosyon naman ay merong "Bakit crush ka ng di mo crush?" 

---

Sa production floor...

hindi ko alam kung pano ko matutulog sa station ko. Wala kasi akong talent sa pagtulog nang nakaupo o nakaharap sa pc. Kahit saan ako lumingon, may nakabantay. Nasa tapat ko yung station ng boss/ team leader ng mga tenured agents ng opening shift. Nasa likuran ko naman yung station ng immediate head ko. Nasa kanan ko yung office ng Account Executive at nasa kaliwa ko ang mga tenured agents. Nasa North East ko naman ang workforce, nasa South West ko naman si "medyo crush"

Di ka kasi pwedeng matulog sa trabaho kahit wala ka namang ginagawa. May mga gwardiya kasing umiikot at naninita. Kukunin pa nila pangalan mo pag nakita ka nilang natutulog at tumutulo laway mo. 

"Guys! Sit properly!!!" sigaw ng isang boss. May paparating kasing gwardiya. 

Medyo antok na talaga ko. Mahirap kayang matulog sa umaga. Mahirap ding maging poging zombie. Malapit na yung gwardiya sakin, medyo tagilid na kaya ways ways na lang (In Filipino, para-paraan)

Nasa gilid ko na si Lady Guard. Nakatingin siya sakin..

"In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit, Amen!"

Kunwari nagdarasal ako
para di halatang medyo antok.. Effective naman.

Pero ang totoo, di iyon nangyari. Naisip ko lang 'yun dahil bored na bored na ko. Eto talaga yung nangyari...

Nag-uusap kami ni "medyo crush" nang biglang may humawak sa mukha ko at bineso-beso ako sa pisngi
-_-

Nakakagulat. Nakaka-ewan. Nakaka.. basta. Ang weird. Ang awkward. 

Nagpapapansin nga ko kay "medyo crush" eh, tapos biglang umepal si Rhea. Crush niya kasi ako. Lagi siyang sumasabay sakin pauwi, at madalas din siyang magyayang kumain sa labas. Madalas, hinihintay niya pa ang lunch ko para sabayan ako. Ang sweet di ba? Pero di ko siya crush. 
#medyohard

Nakiki-uso lang sa hashtag hehe

Bakit nga ba crush ka ng di mo crush???

Ito ang mga sagot:
- pogi/maganda ka 
- talented ka
- magaling ka sa sports
- matalino ka

Syempre, puro positive traits ang mga sagot. Pero minsan, may katangian ka pa rin na kakaiba na nagustuhan niya sayo. Malas niya lang kasi di mo siya crush. 

Kung titingnan naman ang viewpoint ni "medyo crush"...

Di niya ko crush kasi...





may asawa't anak na siya </3

Ok lang. Pogi naman ako (Pampalubag loob lang) hehe

Tagay na lang tayo! :D 

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now