Stay Fresh

17.4K 260 128
                                    

Para sa mga tropa kong hindi alam ang Stay Fresh, i-Google nyo na lang. Apir!

Sabay yung break namin ni Marie at nagyaya siyang magyosi. At dahil pogi at mabait ako, sinamahan ko siya. Humingi ako sa kanya ng stay fresh. Habang sinasalin ko 'yun sa kamay ko, may isang piraso na nalaglag. Habang bumababa kami ng hagdan, tumatalbog naman pababa yung bilog na candy, sinusundan kami! Syet! Pati ba naman yung Stay Fresh may crush sakin!!! Deadz na deadz sa kapogian ko! Gusto ata sumama sakin hanggang sa labas!

Bonus story:
Dito ka lang makakakita ng bonus story na mas mahaba pa kaysa sa kwento haha

Mock calls ng Wave ** kanina at habang naghihintay sa certification nila, pinag-observe sila sa mga ahente sa floor. At dahil pogi nga ko, maraming nag-observe sakin. Ang pogi din kasi ng boses ko. Ehem! #kapalmuks

Yung isang chubby na trainee, kapatid niya pala yung isang ka-team ko! Ayoko talagang maniwala kasi ang layo ng mukha nila. Yung ate nya kasing si Rica, crush ko. Chix kasi eh. Maikling pula yung buhok at ang cool niya.. kaso may bf na. Pero okay lang, pogi naman ako.

Di ko naman sinasabing di chix yung kapatid niya. Chubby is the new sexy nga di ba? Isa pa, attracted ako sa mga chubby. Sa katunayan, yung ex ko ay chubby. Sadyang sobrang layo lang ng mukha nila sa isa't isa.

Tinanong ko pa yung mga katrabaho ko kung magkapatid talaga sila. Tumingin ako dun sa chubby na girl tapos sabay tanaw sa ate nya (hihi) pero syet.. ang layo talaga! 

Tandaan mga tropa, may mga magkapatid na hindi magkamukha. Basta magkapatid sila. Walang kwenta 'tong update ko na 'to. Trip ko lang magkwento. Apir! 

Tandaan niyo rin mga tropa na hindi sukatan ng pagkatao ang panlabas na anyo. Mas mahalaga pa rin ang mas importante. Mas mahalaga pa rin ang ugali. Apir mga tropa!  :D

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now