Condom Part 5 (The Legacy Continues)

13.4K 198 50
                                    

Tumagay kami nina Purple Ranger Emmie (ehEMSsss) at  Sky Blue Ranger Ann (missbluemystic) sa bahay ng kapwa F4 o Fogi 4 at ka-ranger ko na si Blue Ranger Yowen (YowenSeries).  

Ayokong maging password lang ang kapogian ko na ako lang ang nakakaalam kaya nakikipagkita din ako sa mga tropa ko. Pero sa mahigit dalawang taon ko dito sa Wattpad, pito (7) pa lang ang nakasama ko. 

Trip ko silang bigyan ng condom dahil pogi ako. Green na guitar pick lang kasi yung binigay ko kina Yowen at Dho (Black Ranger) nang magkita kami last time. 

Sa Watsons sa Ali Mall ako bumili ng lobo. Bumili ako ng Frenzy na Flames. Naaalala ko, 2012 pa noong bumili ako ng ganoong flavor. Bumili ako dati kasi limited edition daw pero hanggang ngayon, may ganun pa rin at 2017 pa ang expiry date hehe

Dahil tatlo ang laman nun, tig-iisa sila. Isa kay Pareng Yowen na mahilig sa pusa, isa sa dyosang si Emmie at isa rin sa Kambyo Queen na si Ann.  

Nakatanggap din ako ng condom (dagdag koleksyon) mula kay Pareng Yowen. Salamat sa Frenzy condom na mint flavor! Nasa wallet ko na!

Si Ann yung bumili sa 7/11 ng pinanregalo nya sakin at sa pogi kong pinsan ni si Crimson Ranger (XiaoLuan).  

Nag-story telling [over the phone] din ako sa kalabtim ng pinsan ko na si Cyan Ranger (JolengAneng). Sabi ko sa kanya, noong una hindi ko alam kung ano yung condom. Binuksan ko yung balot. Bilog at madulas. Nilagyan ko iyon ng tubig at pinalobo. Hinagis-hagis ko pero nabitiwan ko kaya sumabog.. at nabasa ako! Wahahahahaha! Ang laswa syet! 

Pag nagkita tayo, bigyan mo rin ako ng condom - pampaswerte! :D

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now