Free Wifi

27.5K 298 46
                                    

Pauwi ako sa bahay kahapon galing Eastwood nang sumakay ako sa isang lumang jeep na papuntang Ever Ortigas. Noong una, ayoko talagang sumakay doon kasi luma na talaga yung jeep, baka kakarag-karag na yun.  Pero maluwag kasi at tamad na kong maglakad kaya dun na ko sumakay.  Pagpasok ko, nakita ko yung karatulang nakasabit sa harapan - FREE WIFI. 

Ang cool! Astig talaga! Si kuyang katabi ko pinicturan pa. Iuupload niya 'yun sa Facebook at Instagram.

FREE WIFI. Smart Bro. Hindi lang 'yun, meron pang electric fan, telephone, player - yung sinasaksakan ng usb para tumugtog, t.v., tablet. Seryoso. Meron pang sticker ng VFresh. Tiningnan ko nga yung ilalim ng  inuupuan ko eh, baka may baso, kutsara, tinidor at plato. Wahahaha!

Laughtrip din yung nasa harapan ko - si nanay na kumakain ng pilipit. Tibay ng ipin. :D

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now