Hell week

40.3K 354 47
                                    

Exam week na naman. Kanya kanyang istilo kung paano papasa. Akala ko, di na uso sa college yung kopyahan, hindi pala.

Bawal cellphone. Bawal mag-usap. Bawal lumabas ng room. Ballpen at permit lang dapat ang nasa mesa. Paano ka mangongopya?

Sa Psychology Laboratory kami nag-exam sa isa kong subject. Hindi armchair ang mga upuan doon. Mahahabang mesa ang gamit namin. Tatlo kami sa isang mesa. Wala pa naman kaming 20 sa klase.

Medyo mahirap yung exam namin. More on memorization ,eh ayaw na ayaw kong nagkakabisado. Di ako kabisote eh. May natutunan akong technique sa katabi ko at gagamitin ko yun sa susunod na hell week. Hehe. Joke lang. Naniniwala pa rin ako sa "Honesty is the best policy" ni pareng William Shakespeare.

Sinulat lang naman ng katabi ko yung mga sagot niya sa permit at pinalipad sa kabilang mesa. Takteng yan! Di man lang ako dinaanan ng kodigo. 

Dahil di niya ko dinaanan ng kodigo, tinanong ko na lang siya.

"Jess, anong sagot sa number ___? Eh sa number ___? "

Oh di ba WAGAS. Hahaha!

Nasa kabilang mesa si Gab at nangangamote siya kaya siya nagtanong sakin.

"Anong sagot sa number 11?"

"Supplantive"

"Ha?"

"Supplantive"

Syempre, mahina lang yung pag-uusap namin para di marinig.

May sinabi ulit si Gab pero di ko maintindihan.

'Ha?" tanong ko.

"Pakyu!"

"Ha?" tanong ko ulit baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.

"Pakyu!" ulit niya (with action pa! ..I..)

"Gago!" sabi ko.

After ng exam, pumunta kami ni Gab sa 4th floor para tingnan yung schedule ng exam namin sa Speaking. Nakasalubong namin yung tatlo pa naming kaklase sa ibang subjects (puro babae). Ang ingay ni Bebot at nagmumura pa siya kaya sinita siya ni Gab. Tropa ko si Bebot kaya umepal ako.

"Makasita ka naman, samantalang wagas ka makapakyu sakin kanina."

Ayun! Nganga siya at tawa sila nang tawa.

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now