Inom na Inom na ko

12.1K 216 62
                                    

Dahil tomguts na ko, pumunta ko sa labasan ng subdivision para kumain. Sa fast food chains na kasi ako lumamon kahapon at di iyon maganda sa pogi kong katawan. Mas matino na yung suot ko ngayon. Naka-tshirt ako na kulay gray na may tatak ng paborito kong skateboarder na si Shaun White, tapos yung shorts ko colorful para makulay ang buhay. I-connect nyo na lang. Connect the dots! Hahaha!

"Kain. Longganisa at toge (TOGEther) ulam ko," sabi ko sa tindera.

"Kain?" tanong niya.

Napamura ko sa isip ko. Booom bingi! Tangina! Hahaha!

"Kain," ulit ko.

Habang kumakain, napatingin ako sa gilid ko. Syet!!! May bote ng CHIVAS REGAL at MERLOT (Arbor Mist, blackberry flavor)! Syet! Syet! Syet! Inom na inom na ko!!! Sakto! Tatagay pa naman ako mamaya kanila Yowen/Blue Ranger kasama ang ibang rangers na sina Purple at Orange.

Last year pa ko huling uminom. Pramis! Noong Mayo kasi, tumikim lang ako ng alak.

Pero wala kong balak inumin yung laman ng dalawang bote na iyon. Ayokong uminom ng suka na may sili! Hahaha!

Tagay tayo! :D

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now