Creepy daw

24.6K 351 123
                                    

Tamang tambay ako kanila Marg noong nakaraan. Kinamusta niya yung Wattpad ko.

Sabi ko sa kanya, na-feature sa www.wattpad.com/featured yung "Tagay Tayo"

[Eepal lang.. Maraming maraming salamat mga tropa sa pagsuporta niyo sa mga korni kong kwento. Masaya ko na natatawa kayo sa mga kabalastugan ko. Hayaan niyo, pag nakapagpublish na ko ng libro, mamimigay ako ng libreng condom hehe joke lang]

Nagjoke ako. Syempre, corny yung joke ko. Magkaka-award na ata ako - Kalokohan Award o kaya Ang Korni Mo Award hahaha

Eto ang joke ko.. ang epic na "Ano 'to?"

Ako: Ano 'to? V(^ ^)

Marg: Peace.

Ako: Eh ito? V(^ ^) V

Marg: Two peace???

Ako: Hindi.

Marg: Eh ano?

Ako: Siret?

Marg: Siret na. Ano nga???

Ako: Eh di subdivision!!!

Peace 1, Peace 2

And the Kalokohan Award goes to...

tentenententen!!!

emosyon!!!

Woohoo!!! Yeah! 

Di pa tapos, marami akong bagong jokes eh.

Ako: Inutusan ng mama ni Juan si Juan na kumuha ng sleeping pills sa medicine cabinet. 

Mahigit 30 mins. na pero di pa rin bumabalik si Juan. Galit na galit na yung mama niya.

After 35 mins., nakabalik na rin sya dala ang sleeping pills na pinakuha ng mama niya.

Mama ni Juan: Juan!!! Bakit ang tagal tagal mo??? Sleeping pills lang naman pinakuha ko sayo!!!

Juan: Ssssshhhhh... Nagdahan-dahan kasi ako ma, baka magising yung sleeping pills.

Nyahahaha!

Eto pa:

Ako: Napagkasunduan ni Lolo at ni Lola na gawin yung kinagawian nila dati. Magde-date ulit sila sa dating tagpuan. Kinabukasan, nandun na si Lolo sa tagpuan nila. Gaya dati, may dala syang pulang rosas. Hinintay nya si Lola. Naghintay sya nang naghintay. Gabi na.. pero wala pa rin si Lola. Umuwi na si Lolo..

Pagkauwi niya, nandun lang si Lola sa bahay nila.

Lolo: Bakit di ka pumunta sa tagpuan natin?




Lola: Di ako pinayagan ng parents ko eh.

Hahaha!!!

Nagjoke din si Marg, "creepy" daw.

Meron daw isang lalaki na nakatira sa 17th floor ng isang building. Sa 14th flr sya nagwowork. Pag may kasabay siya, saktong sa 17th flr. siya bumababa, pero pag siya lang mag-isa, sa 14th flr siya bumababa tapos naghahagdan na lang siya paakyat. 

Napaisip talaga ko..

Ako: Sira yung elevator? 

Marg: Walang problema yung elevator.

Ako: May multo kasi sa 17th flr. pag siya lang mag-isa.

Marg: Hindi.

Ako: Baka may abangers, takot syang manakawan.

Marg: Eh mas delikado kaya pag naghagdan siya.

Ako: Hmm.. Syet! Ang baba ng IQ ko.

Marg: Di mababa IQ mo. Kaya mo yan!

Nakalimutan ko na yung iba ko pang sagot, pero mali pa rin.

Ako: Di ko alam. Bakit nga ba?

Marg: Unano sya!

Paksyet na creepy 'yan. Panggulo!!! 

Kaya pala. Di niya kasi abot yung 17, kaya pag may kasabay siya, pinapapindot nya. Nyahahaha! :D 


Tagay Tayo!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora