Paunahin ang mga lalaki!

7.3K 206 79
                                    

Hindi ako makapaniwalang naligaw ako sa Ortigas kahapon. Gala kasi ako dun. Madalas kaming tumagay dati sa Metrowalk pati sa Weed, malapit sa St. Francis Square. Sa Emerald kasi ako lumiko, dapat doon sa pa-Metrowalk. Epekto siguro ng chicks na  lumapit sakin kaya ko naligaw. Naalala ko tuloy yung tanong sakin ni Enzo.

Enzo: Bakit polygamous ang mga lalaki?

Ako: Nature eh. 

Enzo: May brain naman.

Ako: Eh may bird.

Hahaha! 

Dumaan muna kong Robinson's Galleria matapos kong gawin yung dapat kong gawin. Tumambay lang sa gilid ng mall. Ang daming taong naghihintay ng bus papuntang Taytay. Nagtutulakan talaga sila para makasakay lang. Di ko mabilang kung ilang bus na yung dumaan. Paulit-ulit na tulakan. Paulit-ulit na kapaksyetan. 

Natawa talaga ko nang marinig ko yung pagsigaw ng isang babae nang huminto na yung bus sa harapan nila. "Paunahin yung mga lalaki baka masaktan!"

Puro lalaki talaga yung sumasakay sa bus. Buti pa yung title ng kanta ni Psy, Gentleman! Hahaha! 

May bus ulit na huminto. Mga lalaki na naman yung nag-uunahang sumakay. "Paunahin ang mga boys!" sigaw ng isang lalaki habang yakap-yakap niya yung girlfriend niya.

Halu-halong emosyon yung naramdaman ko habang nagmamasid at nagpapalipas ng oras. Nakakalungkot dahil walang disiplina, walang maayos na sistema. Pero sa isang banda, masaya ko dahil nakakahanap pa rin ng dahilan ang mga tao na maging masaya kahit maraming kaguluhan sa mundo. 

Makapagbalat na nga lang ng patatas. 

Tagay Tayo!Where stories live. Discover now