1 - Titanic

225K 6.8K 956
                                    

This is chapter is dedicated to my muting archangel. Thank you for helping! Please read his work "The Blessing of Pain" username.

Titanic

"Seira, it's your turn."

My art professor called my name. I stand up with the painting on my hand. Nanatili itong nakaharap sa akin at hindi ko muna ipinapakita sa kanila habang patungo ako sa unahan.

At nang sandaling makarating ako sa unahan ay lahat ng kanilang mga mata ay nakatitig sa akin.

"Show us your painting, Seira." Bumilis ang tibok ng puso ko habang unti-unti kong inihaharap ito sa kanila.

Everyone gasped, hindi ko alam kung para saan ngunit pinilit ko ang sarili kong magsalita.

"It's the famous unsinkable ship, the titanic,"

Napasulyap ako sa brush na hawak ko. Simula nang mapasakamay ko ang lumang pang-pintang ito, nagsimula na akong dalawin ng kakaibang panaginip.

Bumalik sa alaala ko ang paraang kung paano ito napunta sa aking mga kamay.

Kagagaling ko lamang sa isang art exhibit at kalalabas ko pa lamang sa isang building nang may isang batang babaeng sumalubong sa akin.

I can't clearly see her face because of the strawhat with yellow ribbon, but I noticed a sunflower on her right ear.

"Hey, ate bili ka na nito. It's an antique paint brush! It will give you good luck!" Nagulat ako dahil hindi siya ang batang inaasahan kong magbebenta lang sa daan sa paraan ng kanyang pagsasalita.

Dahil maganda ang araw ko, hindi ko na siya pinahirapan. I bought the paint brush from her. Mukhang luma pero alam kong disenyo lamang ito.

Nang sandaling inabot niya ito sa akin ay tuluyan nang nagtama ang aming mga mata ng batang babae.

"Welcome aboard," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero sinagot niya lamang ako ng ngiti.

Mabilis niya akong tinalikuran hanggang sa mawala na siya sa aking mga mata.

Gabi nang una kong subukang gamitin ang paint brush, nang sandaling sinimulan ko nang iguhit ito lumipas lamang ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng antok. Binitawan ko na ito at hinayaan ko na lamang ang sarili kong tangayin sa aking mahimbing na pagkakatulog.

Nagising ako sa kakaibang tunog na naririnig ko, na para bang nasa isa akong barko at malalakas na alon na siyang dahilan kung bakit gumagalaw ang aking kama.

"Mahal ko, gumising ka na. Napakalakas ng alon ngunit bakit tila hindi ka nagagambala? Pinagod ba kita kagabi?" bumalikwas ako sa aking kama nang makarinig ng hindi pamilyar na boses ng isang lalaki.

Isang napaka-gwapong lalaki na may maka-lumang kasuotan ang nakangiting nakatitig sa akin.

"W-Who are you?" humalakhak ang lalaki sa akin na parang nakikipagbiro ako.

"Ang lalaking pinagkalooban mo ng iyong sarili kagabi." Halos sabunutan ko ang aking sarili sa sinabi ng lalaki.

What the hell?

Nang lumingon ako ay agad kong nakita ang aking repleksyon. Nag-iba ang ayos ng aking buhok, maging ang aking kasuotan.

"Hindi ko akalaing nawawalan ng alaala ang mga babaeng ipinaubaya na ang kanilang pagka-birhen."

Sino ang lalaking ito? Anong nangyayari? Nananaginip ba ako?

Biglang pumasok sa aking isipan ang lumang paint brush na ibinigay sa akin ng batang babae. Bigla akong nakaramdam ng antok nang hawakan ko ito, kakaiba ang kilos ng batang babae at maging ang mga salita nito.

Nagmadali akong bumaba sa kama at halos takbuhin ko ang malaking bintana at halos mapasigaw ako nang malamang nasa barko nga ako.

"Nasa barko tayo?"

"Yes, the titanic. The unsinkable ship, you chose this ship as a place of our honeymoon." Bulong ng lalaki sa akin na yumakap mula sa aking likuran.

"The titanic.." muli kong nasabi. Naririnig ko lamang ito at minsang napanuod sa isang movie.

Seriously?

"Mag-ayos ka na mahal, nagpahanda na ako ng pagkain natin. Alam kong nagugutom ka na." Humiwalay sa akin ang lalaki.

"May kakausapin lamang ako sa labas," humalik ang lalaki sa akin bago niya ako tuluyang iniwanan.

Who is he?

Agad akong nagngalkal sa mga kagamitan hanggang sa makakita ako ng parang id.

"Arnevynce Laurel,"

Napaupo na akong muli sa kama. Sino siya? Bakit ako nandito?

Sa halip na mas pasakitin ang aking ulo ay sinunod ko ang kagustuhan ng lalaki. Naghanap ako ng aking maaaring isuot matapos kong mag-ayos. Sinusuklay ko na lamang ang buhok ko nang pumasok siyang muli sa kwarto.

"Are you done?"

"Yes," sagot ko sa kanya.

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na agad kong tinanggap. May kung ano sa akin na nagdidikta sa mga dapat kong gawin.

Kumain kami nang sabay, nagkukwento siya habang nakikinig ako.

"Vynce,"

"Serina, mahal?" lumukso ang puso ko nang tumama ang paraan ng pagtawag ko sa kanya. Mukhang Serina ang aking pangalan.

"Mahal kita," kusa na lamang lumabas sa bibig ko nang hindi ko namamalayan.

Seira? What the hell?

"Mas lubos kitang mahal," kinuha nito ang aking kamay at masuyo niya itong hinalikan.

Parang may kung sinong sumanib sa akin na damhin ang bawat oras at minuto na nasa barko akong ito. Sa titanic, na isa lamang istorya.

Buong mahapon naming inaliw ang aming sarili sa mga musiko at sayawan. Hanggang sumapit muli ang gabi.

Napuno ng halik, yakap at walang katapusang pagtawag sa aming mga pangalan ang naganap kasabay ng hampas ng mga alon sa dagat.

At nagising na lamang kaming magkayakap nang makitang tuluyan nang pinapasok ng tubig an gaming silid.

"Serina!"

Alam ko na ang ibig sabihin nito, matatapos na. Matatapos na ang panaginip kong ito.

Sa halip na pumayag sa kagustuhan niyang lumabas ng silid at lumaban sa mabangis na hagupit ng dagat. Niyakap ko siyang muli.

At sa halip na mga alon, nilunod namin ang isa't-isa sa walang katapusang mga halik.

"Why titanic?" putol ng aking propesor.

"Dahil gusto kong ipinta ang isang misteryo. Maraming kwento ang nakapaloob sa barkong ito, sa ilalim ng malamig na karagatang punong-puno ng katanungan. Mga kwentong kailanman ay hindi na malalaman pa dito sa kasalukuyan."

Muli kong sinulyapan ang lumang pang-pinta. At tuluyan nang nalusaw ang aking puso nang mapansin ang nakaukit na mga letra.

Vynce Laurel

--

VentreCanard 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now