38 - Russian cruiser Varyag

27.3K 1.4K 56
                                    


The short story is dedicated to Zina Ortiz. Thank you for helping me during the muting days!  

Chapter 38

"Are you sure about this, Zina?" bulong sa akin ni Leila na kanina pang pinagpapawisan.

I looked over my shoulder to face her. "Come on! Nandito na tayo, ngayon ka pa ba magdadalawang isip? You'll ruin your make-up! Idiot."

Nangangatal itong pinunasan ng panyo ang kanyang noo. Mahigpit kong hinawakan ang nakasakbat kong bag at muling sumilip sa dagat ng mga taong kasalukuyang abala sa darating na pagdiriwang.

Nang may dumaang unipormadong crew na may buhat na maraming tela, agad kaming yumuko ni Leila at nagtago sa likuran ng pader.

"H-Hindi ka na ba mapipigilan, Zina?"

"Leila, ano ka ba?! Hindi mo ba nakakalimutan? Ang may-ari ng barkong ito ang sapilitang bumili ng lupa natin! He ruined our whole family! Hindi man lang niya tayo binigyan ng tamang panahon para makahanap ng salapi! Ginipit niya tayo."

"Do you think killing him will help us claim our land again? Zina, tanggapin na natin, naghihirap na tayo."

"H-He threatened our family! Hindi mo ba naririnig ang mga usapan sa kanya? Planado niyang hawakan ang lahat ng malalaking pamilya sa islang ito. Maybe we could set this fucking ship on fire! Makaganti lang sa kanya."

"You're crazy, Zina." Umiiling na sabi nito.

"Bakit ka pa ba sumama sa akin?"

"Because I am damn worried about you! Sa tingin mo ba ay mapapatay mo si Russel Varyag?! He's powerful, ilalabas mo pa lang ang baril mo ay nabaril ka na ng mga tauhan niya."

Dumilim ang paningin ko sa pinsan ko at walang habas siyang tinalikuran. Ilang beses niya pa akong tinawagan pero mas pinili kong huwag siya pansinin. Sigurado akong uuwi na rin ito at magsusumbong sa pamilya namin.

I easily knocked down one of the crews, hid him somewhere and pretended as one of them. Sumunod sa mga utos at walang tigil na nagmasid, hanggang sa tuluyang malaman ang buong mangyayari sa pagdiriwang.

He'll be in the upper stage behind a red curtain, may mahalagang anunsyo raw na ibaba ang nasabing kilalang binata sa lahat, kaya inaasahang malalaking personalidad ang dadalo sa pagdiriwang na ito.

His birthday?

Ngumisi ako at mas lalong dumiin ang lason sa aking kamay. Madali kong naagaw ang posisyon ng isa sa crew na siyang magdadala ng alak sa walang hiyang lalaki. Sakim!

Pansin ko na dumadating na rin ang napakaraming panauhin, kaya nagmadali na akong nagtungo sa kinalalagyan ng lalaking kumuha ng kayamanan ng aking pamilya. Dumiin ang pagkakahawak ko sa bote kung saan nilagyan ko ng pampatulog.

Sa sandaling mawalan siya ng malay, itatapon ko siya sa dagat. He will vanish, na walang mangyayaring panghihinala.

Tulad ng inaasahan ay prente itong nakaupo sa sofa, nakaekis ang mga hita at mga brasong malawak na nakasandal.

This is your ending, you filthy captain!

Tahimik akong naglagay ng alak sa kanyang baso, pero ramdam kong nakatitig siya sa akin. We haven't seen each other before, at lalong hindi ko siya sinubukang tingnan ng panahong nagtungo siya sa amin para angkinin ang aming lupain. Baka mapatay ko lang siya.

Isa pa, kung nakita man niya ako noon, imposibleng makilala niya ako. I am dressed as a male crew.

Nang sumulyap ako sa kanya ay nakangisi na ito habang nakapangalumbaba gamit ang isa niyang kamay.

"Hmm, this is interesting..."

Nasa akma na sana itong tatayo nang biglang nabuksan ang pintuan at nabitawan ko na lamang ang boteng hawak ko nang makilala kung sino ang dalawang taong pumasok at inabala ang aking misyon.

"Pinsan, I got my wife already. She's a bit late."

"L-Leila..." nangangatal na sambit ko sa pinsan kong buhat ng isang matangkad na lalaki na walang tigil sa pagtawa habang pilit iniiwasan ang hampas niya.

"Let me go! Y-You pervert!"

Bago pa man ako makatakbo at iligtas ang pinsan ko, isang marahas na kamay ang humila sa akin. Napamura ako nang malakas nang maramdaman ang sariling bumabagsak patungo sa lalaking kinamumuhian ko.

"She's already here." Sa isang iglap ay natagpuan ko ang aking sariling nakaupo sa kanyang kandungan.

"Why are you dressed like that?" tanong nito sa akin kasabay nang paghaplos sa pisngi ko.

"Ibalik n'yo ang lupa namin!" sigaw naming magpinsan.

"Ibinalik na namin." Tipid na sagot ng lalaking may mga brasong mariing nakayakap sa akin.

Biglang nabuksan ang pulang kurtina at iniluwa nito ang pinakakilalang mga pangalan sa aming isla.

"You and your cousin will marry us."


Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon