16 - Yamato 1940

42.1K 2.3K 74
                                    


The short story is dedicated to Fatima Nawila Esteban. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 16 – Yamato 1940


Today is my cousin's birthday and we have this nautical theme party. Karamihan sa mga bisita ay nakasuot ng sa mga pirata o sa mga marino.

I chose a victorian rugged pirate outfit, na madalas kong nakikitang suot ng mga bidang babae sa kilalang international movie. I copied a style from a pirates of the carribean.

Pero nagsisi rin ako dahil sobrang higpit nang pagkakatali sa likuran ko. Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa higpit nito.

Sabay sabay naming pinagbangga ng mga kaibigan ko ang hawak naming wine glass habang tahimik akong dumadaing sa nahihirapan kong paghinga.

Shit.

Para akong tangang humihingal nang maibaba ko ang wine glass ko sa lamesa.

"I'll just go to comfort room."

"Fatima, are you okay?" one of my friends asked.

"Yeah, yeah. I'll be right back."

Nagsisimula nang manlabo ang aking mga mata habang lakad takbo ako para makarating sa washroom. Shit.

Lalo pa akong napamura nang nagsigawan ang mga tao dahil sa malakas na hampas ng alon.

I was about to fall down when I felt a stranger's arms around my waist.

"You shouldn't wear uncomfortable dress if you'll suffer like that."

"W-What?"

Hindi ako pinansin ng lalaki at inalalayan niya ako sa paglalakad. Lalong lumalakas ang alon dahil sabay na kaming halos matumba.

"What the hell? Lumalakas yata ang alon."

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa madala ako ng lalaki sa banyo. I gasped when he stepped inside the girl's comfort room.

"Hey! H-Hindi ka pwede dito."

Hindi siya sumagot, he pushed me against the wall. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakaharap sa pader.

I felt his fingers slowly pulling the tight lace on my back. Unti-unti na akong nakakahinga nang maluwag.

"Oh god! Ang sarap sa pakiramdam!" I uttered.

Narinig ko siyang marahang tumawa.

"That's sounds weird, baby."

Umawang ang bibig ko nang natauhan ako sa ibig sabihin niya. Agad akong nagpumiglas sa kanya at nang sandaling humarap ako, isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"W-What the?! That's it? I did help you!"

"You maniac!"

Nasa akma na akong bubuksan ang pintuan nang pigilan niya ako.

"No,"

"Anong no?!"

"I'm sorry, I've been looking for you. It's late, it's damn late baby. This is our first meeting in this time, yet it's—"

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Tinabig ko ang kanyang kamay at marahas kong binuksan ang pintuan. Nanginig ang buo kong katawan nang makita ang unti-unting pagtaas ng tubig at nang marinig ko ang malakas na sigawan at iyakan ng mga tao.

Kusang tumulo ang mga luha ko nang may iba't-ibang klase ng imahe ng mga pangyayari ang pumasok sa aking mga alaala.

A wedding vow near the sea, the kiss in the sunset, a love making near the fireplace and a death of storm surge.

Nanginig ang katawan kong unti-unting lumingon sa lalaking nagsisimula nang remihistro sa aking puso at isipan.

My husband from the past.

"It's been a while, Matthew. My love."

Bago pa kami tuluyang lamunin ng tubig ay mabilis kong itinapon ang sarili ko sa kanya at siniil siya ng malalim at nangungulilang halik. 


--

VentreCanard 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now