Chapter 121

2.7K 53 9
                                    

The short story is dedicated to Amira Estrada. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 121

"Amira, are you not going to attend your cousin's wedding?" Mom asked.

I am currently busy in front of my laptop, replying to my emails. It's my usual side hustle during the weekend.

I woke up early in the morning to smell the scent of my mom's spices as she prepared breakfast for me. Hindi ko iyon ipagpapalit dahil kahit gaano man kahirap ang trabaho sa nakalipas ng isang linggo, makalilimutan ko iyon sa tuwing nagigising ako ng Sabado habang abala ang aking ina sa paghahanda sa aking agahan.

It's a slow morning that I'll always anticipate every weekend. The way she fixed the fried rice with egg, sliced hotdog, beans, and cube carrots in the frying pan, the frying tilapia, the stirring of a small spoon on a cup of coffee, the slice of bread with cheese, and our opened door in the kitchen as the sun rays touch my mom's cheeks.

Sa tuwing Sabado, lagi ko na lang ako napatutulala kay mother. Kung habangbuhay lang nabubuhay ang mga magulang, pipiliin ko na lang maging habangbuhay na maging anak— hindi na ako bubuo ng pamilya at magiging spoiled daughter na lang ako.

But that's not life, natatawa pa nga si mother sa tuwing sinasabi ko ang bagay na ito.

"Ayoko. May pasok ako sa aral ng kasal niya."

"Biruin mo iyon, hindi natin akalain na ikakasal pa ang iyong pinsan na iyon. She was like you."

I rolled my eyes. "Bata pa ako, Mother. At paano naman ako ikakasal, wala naman akong boyfriend."

"That's why you have to find one."

Umiling ako. "Hindi iyon hinahanap."

"Sure, sure. Bago pa uminit ang ulo mo ay kumain ka na."

Habang kumakain kami ay bigla ko na namang naalala ang naging panaginip ko.

"Mukhang nagugustuhan mo ang aking kape, Senyorita."

Umikot ang mga mata ko sa may-ari ng kapehang iyon. Hindi ko nais magtungo roon ngunit iyon ang kagustuhan madalas ng mga kaibigan ko. Hindi ko ipagkakaila na masarap ang kape at tinapay sa kanyang puwesto, ngunit hindi ko gusto ang kayabangan niya.

"Sila. Hindi ako."

"Maaari ko bang malaman ang ngalan ng magandang senyorita?"

"Amira ang ngalan niya."

Pinanlakihan ko ng mata ang mga kaibigan ko, ngunit naghagikgikan lamang ang mga ito sa pagtawa.

"Oscar ang aking ngalan magandang senyorita." Napangiwi ako nang kunin niya ang kamay ko at halikan iyon.

Hindi ko siya balak pansinin ng mga sumunod na araw, ngunit habang paulit-ulit kaming nagpupunta roon ng mga kabigan ko, ay nakikita ko na lang ang sarili kong nangingiti sa iba't ibang paraan ng pagpapansin sa akin ni Oscar.

"Bakti kasi hindi mo hayaang manligaw sa 'yo si Oscar, Amira? Mayaman, makisig at kilala sa bayang ito."

"Babaero siya. Hindi ninyo ba nakikita kung paano niya pakiharapan ang mga kababaihan?"

"Parte iyon ng kanyang negosyo! Hindi ba't ikaw naman talaga ang nais niya?"

Umiling ako.

"Wala akong balak makipagrelasyon sa kanya."

Ngunit isang gabi, hindi pa man dumadating ang karwahe na susundo sa akin at naroon pa ako sa silid-aklatan, hindi ko inaasahan sa sulok ng gusaling iyon si Oscar, tahimik na nakaupo at tila hindi maabala sa kanyang binabasa.

Huminga ako nang malalim at unti-unting humakbang papalayo sa kanya, ngunit iyon ang malaking pagkakamali ko nang mabangga ko ang malaking aklatan at tuluyan ko nang agawin ang atensyon niya.

"A-Amira . . ."

Tipid akong ngumiti. "Paumanhin at naabala kita—"

"Hindi."

Agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Sumilip siya sa bintana. "Gabi na, bakit naririto ka pa? Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?"

Umiling ako. "Padating na rin ang karwahe . . ."

Ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagkulog at kidlat, dahilan kung bakit napatili ako. Agad kinabig ni Oscar ang baywang ko dahilan kung bakit higit kong maramdaman ang kanyang katawan. Kusa akong napatingala sa kanya, at alam ko sa sarili kong hindi lang ako ang pilit na pinakakalma sa sarili.

"Amira . . . alam mong matagal na kitang pinapangarap."

Napalunok ako. Tama ang mga kaibigan ko, na kay Oscar na ang lahat, kayamanan, kakisigan at ang atensyon at pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin.

Tuluyan ko nang ikinawit ang mga braso ko sa kanya at hinayaan ko siyang buhatin ako sa sulok ng silid-aklatan. Ang tanging nagawa ko na lang ng mga oras na iyon ay damhin ang mga haplos at halik niya kasabay ng bulong niyang nagsasabi kung gaano ako kamahal.

***

Habang kumakain ako ay ilang beses kong pinilig ang sarili ko. I couldn't believe that I had a rough sex inside an old library in my dream.

"Nabisita mo na ba iyong bagong bukas na bakery, Amira?"

"I heard it too. I'll try to check it later."

Hapon na nang maisipan kong tingnan ang bagong bukas na bakery. Pansin ko na ang daming nakaparadang sasakyan sa may kalsada. May bumaba pa nga roon na babae at nagpaiwan iyong driver.

Una kong napansin ay isang bata na tumitingin-tingin sa bulaklak hanggang sa bigla iyong tumakbo at tumalon-talon sa sasakyan. "Kuya, maganda itong flowers! Tingnan mo!"

"No. It's okay."

Hindi ko na sila pinansin pero rinig ko ang pangungulit ng bata. Kasalukuyan na akong tumitingin ng tinapay.

"Sige na, Kuya, check mo lang!"

Narinig kong nabuksan na ang sasakyan. Hindi pa rin ako lumilingon hanggang sa mas maging pamilyar ako sa boses ng lalaking tumatawa na. "Sige na. I'll buy one. Ikaw ba ang nagtitinda?"

Unti-unti akong napalingon at nagtama ang mga mata namin. Nabitawan niya ang bulaklak na hawak niya at malalaki ang hakbang niya patungo sa akin. Agad niyang kinuha ang phone niya at ibinigay niya iyon sa akin. "Call me creep, but can I get your number? Socials? You look so pretty. You're my type."

Napaawang ang bibig ko dahil ganoong-ganoon si Oscar sa panaginip ko. "N-no . . ."

He rolled his eyes. "God, Love, hanggang dito ba naman."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now