Chapter 96

4.5K 120 8
                                    

The short story that will be posted here will be dedicated to Jan Margaret Gallenero. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 96

Dahil kailangan nina Mama at Papa na magpunta sa mga lola, ako ang naiwan sa flower shop para magbantay. Hindi naman sila nag-aalala sa akin dahil alam nilang mapagkakatiwalaan naman ako sa ganitong bagay.

I've been helping them since I was in Elementary. Isa pa, I'm enjoying organizing the shop. Bukod sa gusto ko talaga ang flower arranging, masarap sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa magulang.

I was in the middle of spraying water on some of the potted flowers when the chime on glass door opened. Agad umikot ang mga mata ko nang makita ang lalaking talagang nalalaman kapag ako lang mag-isa ang tao sa flower shop.

He was my ex-crush. When I was in Elementary and Highschool, he was the love of my life. Halos kilabutan ako kapag naalala ko ang lahat ng pagpapansin ko sa kanya noon.

Masisisi ko ba ang sarili ko? Me and my young heart was attracted to cute boys. But now that we've grown up, matured, and well, with different responsibilities in life, wala na akong panahong magpapansin sa kanya.

Linox Altamirano.

"Yes?"

Kinuha niya iyong maliit na paso na may tanim na cactus. Nagtungo siya sa counter habang hinihintay ako. Bumuntong hininga ako at binitawan ang pangspray dahil ganoon na lang lagi ang nakikita kong scenario sa pagitan namin.

Bumibili siya lagi nang pinakamurang halaman at pagkatapos ay ibibigay niya iyon sa akin.

"Are you free after—" umiling ako agad sa kanya.

Itinuro ko sa kanya ang screen kung saan makikita ang babayaran niya. I never even looked into his eyes.

"You are really cold," kumento niya.

"Should I be sweet?"

"Like before? Of course."

"Why would I? I don't like you anymore."

"Why?"

Itinulak ko na iyong maliit na paso sa kanya. Kinuha ko na rin iyong bayad niya para suklian siya.

"I've moved on."

"And I'm not. . ."

"Then you're late. Wala na," tipid akong ngumiti sa kanya.

Napailing na lang siya. "That's harsh."

"Why not? Ikaw lang ba ang dapat ganoon? That's the problem with you, you'll realize everything when someone turned their back. Linox, wala na akong balak lumingon pabalik."

Siguro kung may makakarinig sa amin, iisipin na may nakaraan kami. That we were lovers before at masyadong mahirap ang pinagdaanan namin. But he couldn't just estimate a girl's young heart.

Hindi siya nakapagsalita. "I'm sorry."

"You don't have to. Everything was just a past. And I enjoyed my youth chasing after you."

"Maybe it was just the chase that makes you happy, right? Dahil nang sandaling naniwala na ako, tumigil ka. Iniwan mo ako sa ere, Margaret."

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang natigilan dahil iyon ang unang beses na sinagot niya ako tungkol sa nakaraan namin. We grew closer with that setup before, me chasing him, and him ignoring me and making fun of me.

Hindi pumasok sa isip ko na papansinin niya ako. He's just a popular boy next door, sikat sa school at maraming pagpipilian. That's why when I grew tired, I know that he'll never notice.

Kaya nang nagsimula siyang kunin ang atensyon ko, hindi rin ako makapaniwala. Maybe he's bored or something.

"What's wrong with you?" ngiwing tanong ko.

"Can't you see? Nanliligaw ako. Matagal na. And I will not leave you hanging like what you did to me. When you fall, I'll catch you."

Ngumisi ako at pinagkrus ko ang mga braso ko. I think it's payback time.

"Oh, okay. . ." I said, pretending to be unbothered.

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now