70 - HMS Richmond

28.6K 861 42
                                    


The short story is dedicated to Hannah Danielle Ending. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 70

"Magpahinga naman tayo, Aiden." I complained.

Kanina pa kaming nagbibisekleta. Bakit parang hindi na siya napagod? Halos dalawang oras na kaming pumepedal!

"This is exercise. I thought you wanted to lose weight?"

My brows arched. "Excuse? Sinasabi mo ba na mataba ako? Kailan ko sinabi sa 'yo na gusto kong magbawas ng timbang?"

He pursed his lips. "Was that my imagination?"

I rolled my eyes. "Mataba na ba talaga ako?"

He laughed. "I was just kidding. It's just your cheeks. And I love it, Hannah."

Ramdam ko ang nag-iinit kung pisngi. It's just the sunlight. Yes.

Aiden is my childhood friend. Halos hindi na kami mapaghiwalay dalawa, marami na rin nagsasabi sa amin na baka higit pa sa kaibigan ang mayroon kaming dalawa, but we keep on denying it.

Aiden makes my heart flutter. Kahit sa simpleng galawan at salita niya, but I couldn't just take the risk this kind of relationship with him if I tried to clear everything about us.

Paano kung ako lang iyong nakakaramdam ng kakaiba? Baka layuan niya ako at hindi ko kakayanin iyon.

"May tubig ka pa?"

Tumango ako sa kanya. I gave him my tumbler. Dati ay hindi na kaso sa akin na halos hati na rin kami sa mga pagkain, baso at straw, but as time goes by, hindi ko alam kung bakit nakakaramdam na rin ako ng hiya.

We are really growing up. We are not kids anymore, we're now a lady and a man. Soon, there are possibilities that we'll no longer do this together. Dahil hindi habang buhay ay magkasama kami.

We have our different paths to cross. At natatakot ako na dumating na ang araw na iyon.

Pinagpatuloy namin ang pagbibisekleta pero iyong isip ko ay lumilipad na sa ibang dimensyon at sa posibilidad na magigising na lang ako na malayo na kay Aiden.

"Hannah, may sasabihin pala ako sa 'yo."

I chuckled lightly. "Kaya pala parang ang tahimik mo kanina. Kaya pala biglaan ka rin nagyaya na mag-bike. What is it?"

Muli siyang humarap sa unahan na parang nag-aalinlangan pa siyang sabihin sa akin. "Aiden?"

"I am leaving."

Dumiin ang hawak ko sa bisekleta ko. Mabuti na lang at hindi ko nahawakan ang preno dahil malaki ang posibilidad na tumilapon ako. "School, right?"

Narinig ko na rin minsan na baka nga sa ibang bansa na magtuloy pumasok si Aiden, lalo na't tuluyan na talagang naghiwalay ang mga magulang niya.

Hindi man sabihin sa akin ni Aiden, alam kong pipiliin niya ang kanyang Mama. He can't have a good education with his father, na nalulong na sa babae niya at sa pamilyang nakasabit dito.

"Yes."

"Ingat ka roon, Aiden, ah?"

Lumingon siya sa akin. "Of course."

"Pero babalik ka pa?"

"Oo naman! I just study there. And when I am already old enough, I'll stay here again. I love this province. Pleasant, peaceful... free..."

Inihiwalay ko ang mga mata ko sa kanya at lumanghap din ako ng sariwang hangin. "Yes. I love this place."

"But you know what I loved the most here?"

Ngayon ay napatigil siya sa pagpedal, maging ako ay ganoon din. Kapwa kami nagkatitigan sa ilalim ng araw.

"You, Hannah... I love you... hintayin mo ko, ah?"

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now