32 - Battlecruiser Scharnhorst 1939

32.9K 1.6K 124
                                    


The short story that will be posted here will be dedicated to Marvelyn Matteo. Thank you for helping me during the muting days!  

32

"Naayos n'yo na ba?" tanong ko sa dalawa kong kapatid na inutusan kong itali ang duyan sa dalawang puno na hindi masyadong magkalayo sa isa't-isa.

"Okay na yata." Sinubukang umupo ng isa kong kapatid dito para malaman kung kakayanin ako.

He smiled and gave me a thumbs up.

"Pwede na."

I waved my hand. "Sige na, iwan n'yo na ako rito. Mag-swimming na kayo at kapag binalikan n'yo ako rito, baka naman pwedeng dalhan n'yo ako ng ice cream?"

"Donya? Reyna?" tanong ng Simeon.

"Yes, may problema?"

Hindi na sumagot sa akin ang dalawa kong kapatid at iniwan na nila ako sa duyan. Ibinagsak ko ang aking katawan dito bago buksan ang isang libro.

Kasalukuyang nagbabakasyon ang buong pamilya namin sa isang resort, ako na hindi mahilig sa maraming tao ay nakakita ng dalawang puno na pwedeng pagtaguan, may dalang duyan at voila!

A very good spot for a piece seeking woman like me.

Pasipol-sipol pa ako habang nakataas ang aking paa sa duyan, ipinatong ko muna ang libro sa dibdib ko at pinagmasdan ko ang hampas ng alon sa dagat.

It was beautiful, indeed.

Kung pwede lang na ganito ang buhay araw-araw, hihiga lang sa duyan, malamig na simoy ng hangin, libro at paparating na mga pagkain.

Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Saglit akong napangisi. Should I extend my vacation leave?

"Oh my, Marvelyn! Dito ka na lang kaya tumira?" tanong ko sa sarili ko.

Saglit kong ibinaba ang isa kong paa para itigil ang paggalaw ng duyan. At nasa akto na akong bubuksan ang isang libro nang may bolang tumama sa ulo ko, muntik na akong mahulog sa duyan.

"Letche!" malakas na sigaw ko.

"S-Sorry po, Ate..." tumigil sa harapan ko ang isang bata na naka-straw hat at may bulaklak na sunflower sa kanyang tenga.

Balak ko sanang paulanan ng mura ang nakatama sa akin, pero nagbago ang isip ko nang makitang malapit na itong umiyak.

"H-Hindi ko po sinasadya... hindi na po mauulit..." nagsimula na siyang magpunas ng kanyang luha.

"It's okay... hindi na ako galit."

"T-Totoo?" biglang nawala ang luha ng bata at nagsimula pa itong maglakad papalapit sa akin.

"Ate samahan mo naman ako sa kuya ko, ipapakilala kita sa kanya."

"W-What? No, bumalik ka na sa kuya mo. Look, kailangan pa ni Ate na basahin ang libro niyang ito." Ipinakita ko sa kanya ang libro ko.

"But my kuya is handsome. You will like him."

"Kahit gwapo pa siya, sige na, pumunta ka na sa kuya mo. I need myself alone. Look, hindi na ako galit kahit tinamaan mo ako ng bola. So, go on. Play with other kids." Umiling ang bata sa akin.

"Come on... I will not like your kuya."

"You will! Please... please... let's go!" mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at pilit niya na akong hinihila.

"Listen kid, wala akong interes sa kahit anong lalaki, kahit gwapo pa."

"Just try!" ngiting sabi ng makulit na bata.

"Alright! Sige, susubukan ko kung may lalaking biglang babagsak mula sa langit. I will try—"

Pero hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin nang biglang yumanig ang duyan ko, saglit nag-ingay ang kanang puno hanggang sa manlaki ang mata ko nang may literal na lalaking nahulog at kasalukuyan nang hinihimas ang kanyang ulo.

"Tangina! Ang iingay n'yo! May natutulog sa puno!" mura ito nang mura hanggang sa magtama ang aming mga mata.

Natigil ito at napatitig sa akin. "N-No wonder why... I fall..."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now