55 - HMS Bulwark

23.3K 970 241
                                    


The short story is dedicated to Trixie Delos Reyes. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 55

Nakailang hampas na ako sa halaman na nadadaanan ko gamit ang mahabang patpat na napulot ko.

Inutusan lang naman ako ni Nanay na kumuha ng sili sa gubat. Naubusan na kasi ng sili sa mga tanim namin, dahil mahilig sa maanghang iyong pamilya ko, hindi talaga mawawala ang sili.

"Bakit naman kasi ako pa ang inutusan?! Hindi ba nila alam na delikado sa dalagang katulad ko ang maglakad sa gubat? Paano kung may magkagusto sa akin engkanto? Saan nila ako kukunin?!"

Wala akong tigil sa pagrereklamo at paghampas sa halaman na nadadaanan ko. Balak ko pa sanang magmadaling kumain, dahil magkikita pa kami ng kaibigan kong Regina dahil may ibabalita raw siya sa akin.

Hindi naman talaga ako excited roon sa balita niya, kundi sa pasalubong niya sa akin. Nagbakasyon kasi siya ng ilang linggo sa Manila at marami na siyang naikwento sa akin sa mga text messages niya.

Tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may naramdaman akong hindi maganda sa natapakan ko. Nanlamig ang buong katawan ko at unti-unti kong sinilip iyon, nanlaki ang mga mata ko at impit akong napasigaw ng makita na ahas iyon.

Natapakan ko ang ulo!

Putang ina!

Takbo!

"W-Woah! 'Yoko na!"

Kasabay nang mabilis kong pagtanggal ng paa ko ay ang agad kong pagtakbo habang lumuluha. Malalakas ang pintig ng puso ko at walang tigil ako sa pagsigaw.

"M-May ahas! May ahas!"

Ilang beses pa akong nadapa pero pilit akong tumayo at tumakbo sa takot na maabutan ng ahas.

"Ayoko na! Sabi nang ayaw ko sa sili! Ayoko na sa sili! Tinutuklaw ako!" nagbuhol-buhol na iyong mga sinasabi ko.

Para na akong ginahasa sa hitsura ko dahil sa sabog kong buhok, mukhang punung-puno ng luha at mga damo na nagkapit sa damit ko, isama pa ang tsinelas ko na iisa na lamang.

Tumatakbo, nadadapa, tumatayo ang siyang ginawa ko, hindi ko na alam kung saan direksyon na ako napunta. Gusto ko lang ay huwag manatili sa isang lugar.

Huli na bago tuluyang pumasok sa isip ko na naliligaw na ako. Mas lalo pa akong naalarma nang mapansin na nagdidilim na.

Takot pa rin ako nang takbo hanggang sa makarinig ako ng agos ng tubig. Sabi nila kung gusto raw makalabas ng gubat, sundan lagi iyong agos tubig. Kaya mas mabilis akong tumakbo para makarating doon.

Minumura ko pa ang sili na siyang naging dahilan kung bakit ako naligaw roon. Nang abot kamay ko na ang ilog, hindi ko napansin na may malaking ugat pala na nakaharang dahilan kung bakit napatid na naman ako.

Napasubsob ako sa lupa at dumama pa iyong baba ko roon. Hindi na ako magtataka kung nagdurugo iyon dahil ramdam ko ang hapdi niyon.

Pero natigil ang walang katapusan kong mura at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may mga basang paa sa harapan ko.

"Ay! Sili!" sigaw ko dahil sa gulat.

Unti-unti akong nag-angat ng mga mata at agad iyon nanlaki nang makakita ako ng hindi sili...

"This place is my family's property. Who are you?"

Mariin akong pumikit at itinaas ko ang kamay ko. Ramdam ko na may itinutok siyang malamig na bagay sa noo ko. Baril ba ang dala ng batang 'to? May dala siyang baril!

Mas matanda pa nga yata ako sa kanya ng ilang taon.

"N-Naghahanap lang ako ng sili! Totoo!"

"Sili?"

"Oo! Naligaw lang ako!"

"Or you're just a perv woman?"

"Oh my goodness! H-Hindi! Wala akong nakita!"

Bakit ba hindi siya nagtakip muna? Humarap pa talaga siya sa akin?

"Don't move. Babarilin kita."

Mariin akong tumango sa sinabi niya. Hindi man ako magmulat, alam ko nagbibihis na siya. Ilang minuto lang ang hinintay ko bago niya sabihin na pwede na akong magmulat.

Nang mas mapagmasdan ko siya biglang naging pamilyar iyong mukha niya. Saan ko ba nakita ang batang 'to?

"We'll go to your house. I already messaged my parents. Pupunta na rin sila sa inyo."

"Huh? Bakit?"

Tumaas ang kilay niya. "You saw me naked. Hindi mo ba ako paninindigan? You should marry me when you turn eighteen."

Napatayo ako at namaywang ako sa kanya. "Excuse me? Ang bata bata mo pa iyan na agad ang nalalaman mo! I am even older than you."

"So?"

Tama nga ang hinila ko. "W-Who are you?!"

"Silus Saavedra."

Nanlaki ang mata ko nang maalala ko iyong pangalan niya. He's that kid! Siya iyong bata na nakalaro ko noon at sinabing pakakasalan niya raw ako kapag lumaki na siya.

Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya bato. Dati ay hindi man lang siya umabot sa balikat ko, pero ngayon ay malapit na niyang maabutan ang taas ko.

"I told you. I'll marry you. How are you, Trexie? Mukhang ibang sili ang mauuwi mo ngayon. Let's go."

Namulsa siyang naglakad at nauna na sa akin.

"I won't marry you! Mas bata ka sa akin! At mas matangkad ako!"

Nagkibit balikat siya. "I'll still grow up. Don't worry... magpapatangkad ako, magpapahaba at magpapalaki para sa 'yo. Alright?"

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Y-You!"

He chuckled. "You're cute... pero magpalinaw ka ng mata. Hindi iyon sili..."

"Saavedra!"

Hinawakan na niya ang kamay ko at kapwa na kami tumakbong dalawa papalabas ng kagubatan.

I thought it was the beginning of my cute love story, not until he was bitten by the same snake that I run into. Silus Saavedra, my one and only husband died from a poison. 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now