Chapter 89

5.4K 257 17
                                    

The short story is dedicated to Linn Alampa. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 89

Humihingal pa ako nang walang pakundangan kong inihiga ang sarili ko sa makapal na bermuda sa paborito kong tambayan. Wala akong tigil sa pagtawa habang panay ang pagtaas baba ng aking dibdib dahil sa matinding pagod mula sa mabilis na pagtakbo.

Ganoon din ang kaibigan kong si Jaypee na katulad ko'y pinili rin ihiga ang sarili sa makapal na bermuda. Halos lumaki na kami nang sabay at madalas namin itong gawin dalawa sa tuwing may libre kaming oras.

Pakiramdam ko'y nanatili akong bata at walang problema sa tuwing kasama ko siya. I hope everything will stay like this, malayo sa responsibilidad at mata ng mapanghusga.

But no matter how I try to escape, and hide myself here in this almost a paradise place, it will not remove the fact that I am a heiress of one of the most powerful clans in the country.

Akala ko'y mananatili ako rito sa probinsiya, ngunit hindi ko inaasahan na tatawagin ako ng pamilyang dati'y hindi ako itinuring isa sa kanila. When my famous half-sister died from an accident, the spotlight focused to me. Our family cared for the bloodline, and as the only surviving daughter they claimed me in blind eye.

Marami man ang nais tumutol ngunit higit na makapangyarihan si Daddy na siyang puno ng aming buong pamilya.

"Kinakabahan ka ba?"

"Who wouldn't? Akala ko ay mananatili na ako rito at hindi na nila guguluhin. Hindi na nga ako umaasa na tutulungan nila ako sa pag-aaral ko o maging sa ibang parte ng buhay ko. But life is really unexpected."

"Just go with the flow, Linn. You're a brave and strong girl."

Ibinalik ko ang aking mga mata sa kalmadong langit. Pinagmasdan ko iyong mabagal na pag-usad ng puting ulap.

"I don't have any choice but to be brave, Jaypee."

"It's okay that to be afraid, right?"

Hindi na ako nakasagot sa kanya at hinayaan kong manatili ang katahimikan sa pagitan namin nang ilang minuto, hanggang sa banayad na umihip ang hangin. Muli'y ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya.

Sa sandaling sunduin na ako ng pamilya ko rito, hindi ko na masisiguro kung kailan pa kami muli magkikita ni Jaypee. I will miss him.

"Jaypee..."

Nanatili siyang nakatitig sa langit. "Linn, I have plans too. Katulad mo'y may mga pangarap din ako. Maybe you can't fully accept the sudden changes of your life, but use it... make it as an opportunity. Hindi ka man malapit sa pamilya mo, iyong kapangyarihan nila iyong tutulong sa 'yo upang higit mong mahubog at makilala ang sarili mo. You can use your family's power to support you...not to manipulate others."

Hindi lingid sa kaalaman namin ni Jaypee ang kilalang imahe ng pamilya ko tungkol sa paghawak sa iba't iba nilang negosyo. Siguro, sa sandaling ako'y tuluyang makapasok doon ay may magawa akong upang unti-unting mabago ang imaheng iyon.

"I will keep that in mind."

Halos gabi na nang magyaya nang umuwi si Jaypee. Pansin ko na tila may nais siyang sabihin sa akin ng mga oras na iyon, pero pinili niya na lang akong tapikin ang balikat ko at talikuran nang walang pasabi.

I thought I'd missed him that much, but right after I entered my father's office on the first day of my orientation to his main office, I noticed the person standing beside him.

The newly hired competent secretary of my father. He smiled at me and formally extended his hand for greeting.

"This is Mr. Jaypee Garcia."

Tipid akong ngumiti at inabot ang kamay ko sa kanya. "Linn Alampa."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now