64 - HMS Lancaster

17.9K 937 83
                                    


The short story is dedicated to Bea Peral. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 64

I have a huge crush with Seiji. He's my classmate and my neighbor. He's a half-Japanese, weirdo, thin and not so handsome.

Wala siyang kaibigan, dahil sa tuwing vacant ang section namin sa halip na may kausap man lang siya ay abala siya sa paglalaro ng phone niya.

And he's not really bothered. May sarili ngang mundo.

Pero hindi ko alam kung bakit ganoon na lang katindi ang pagka-crush ko sa kanya, simula nang nahulog ang ballpen ko na inakala niyang kanya kaya niya pinulot.

Wala siyang choice kundi ibigay iyon sa akin at saglit na tumingin sa mata ko dahil sa pag-aakala niyang iyon. Iyon lang ang natatandaan kong pag-uusap namin, kung pag-uusap nga iyon...

"Stop staring at him, Peral. Stop fantasizing him. Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya? He's weird."

Nanatili akong nakapangalumbaba sa kanya. "So what? May kanya-kanya tayong type."

"Ang tagal mo na nga siyang type, pinansin ka ba?"

"Nagpapansin ba ako? I am just waiting for the right timing."

"For three years, Bea? Hanggang kailan ang timing na iyan?"

"Syempre nag-aaral pa ako ng Nihonggo! Paano kung hindi niya ako maintindihan?"

She rolled her eyes. "He can understand English and Tagalog. Ano ba iyang palusot mo?"

"Baka kasi hindi niya ako pansinin."

"Of course. Look at him."

Kapwa kami nakatingin ngayon ni Bianca kay Seiji na tutok na tutok sa phone niya. Sumimangot lang ako.

"He's weirdo, Bea. Sa halip na maglandian kayo... maglalaro ng lang siya sa kama. Baka nga may girlfriend na iyan na character ng nilalaro niya."

"But they're not true! Hindi niya iyon mahahalikan!"

Ngumuso muli si Bianca sa direksyon si Seiji. Halos humalik na nga siya sa phone niya dahil sa sobrang panggigil niya sa laro. Minsan gusto ko nang tumayo at lumapit sa kanya at ihampas sa kanyang ulo ang phone niya.

"But I have plans... dentist iyong mga parents niya. They're sweet and nice. Lagi nga nilang itinatanong sa akin si Seiji."

Nanlaki ang mga mata ko kay Bianca. "Y-You what?! At hindi mo sinabi sa akin?"

"It's not really necessary. But since... you're really desperate, sige na. Tutulungan na kita."

Umupo na si Bianca at nagsimulang bumulong sa akin habang nanatili akong nakatitig kay Seiji na ganoon pa rin.

Suminghap ako. "A-Are you sure?"

"Yes."

***

I don't know if this desperation made me so aggressive like this. Pero hindi na yata taaga kaya na hayaan magpalaboy-laboy si Seiji sa school na may hawak na phone at hindi pinapangalanang boyfriend ko siya.

He deserves a beautiful girlfriend like me. Dahil kahit weirdo siya, sobrang talino niya sa klase. Kailangan ay balanse sa lahat ng bagay.

I ringed the doorbell.

It was her mother who opened the gate. Agad siyang ngumiti sa akin nang makita ako.

"Ikaw ba iyong sinabi ni Bianca na napapalapit kay Seiji?" nag-init ang pisngi ko.

"Hindi naman po masyado..." inangat ko ang spaghetti na dala ko.

"I brought this po. Nandyan po ba si Seiji?"

"Yes. Come in."

Dinala ako ng Mama ni Seiji sa kusina. "What is your name again, hija?"

"Bea po..."

"Seiji!" tawag ng Mama niya.

Kinakabahan ako nang marinig ko na ang mga yabag ni Seiji sa may hagdan. Parang gusto ko na bigla tumakbo at kalimutan ang plano namin.

This is a huge advance! Dapat nagpakilala muna ako kay Seiji at sinabi ko na crush ko siya simula pa lang.

"Yes, Ma?"

Nang sandaling humawak siya sa hamba ng pintuan ng kusina, napatulala na ako. Ibang-iba ang Seiji na nasa school sa Seiji na nasa bahay, parang ang fresh niya rito sa kanila.

O baka dahil bagong ligo siya at nakapanjama at puting sando lang?

Napalunok ako at napakuyom ang mga palad ko sa aking mga hita. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya nang makita ako.

"Dinadalaw ka ni Bea. She's your classmate, right? Pinapasok ko na."

I bit my lower lip. Mas dumiin ang titig niya sa akin.

"I don't know her."

Pinagpawisan na ako ng malagkit sa sinabi niya.

"Seiji! Nag-a-attitude ka na naman bang bata ka? Nagmamagandang loob na nga ang kaklase mo."

"I told you... I don't know her."

Marahas na akong tumayo. "Uuwi na lang po ako..." halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang Mama.

Bakit ba ako sumunod sa plano ni Bianca? Of course! Hindi ko agad magagawa iyon! Nabara na agad ako ni Seiji! He's not that timid boy that I'd immediately manipulate.

Dahil sa tindi ng hiya ay nagmadali na akong lumabas ng kusina, nagawa ko pang masagi ang balikat ni Seiji.

Ngunit nang abot kamay ko na ang pintuan nila papalabas ay narinig ko bigla ang tawag niya.

"Bea! I am just kidding..." natigilan ako.

"Gusto mo maglaro? I have different games to offer. Upstairs..." natigilan ako sa sinabi niya na tila may laman.

Huminga ako nang malalim at saka humarap sa kanya. "I'm sorry. I am just too desperate. I like you that's why I'm here."

Namulsa siya. "Teach me how to like you, then, Bea..."

Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko at sinalubong ko ang kanyang mga mata. Akala niya siguro ay magtataray ako sa kanya ngunit ngumiti ako sa kanya ng matamis.

Humakbang ako ng ilan patungo sa kanya at mabagal akong tumingkayad at humalik sa pisngi niya. "I like you... walang ibang babae ang kayang tumingin sa 'yo kung paano kita tingnan... I like you for three years... pero hindi ako mahilig sa laro, Seiji..."

Humiwalay ako sa kanya bago ako muling ngumiti. He tried to call me again but I never turned back.

That day I promised myself not to look at him again. Kasi hindi naman lahat ng bagay ay nakukuha mo at tinanggap ko na ganoon si Seiji. He's really into games, not with girls.

But something happened that made my butterflies on my stomach went on somersaulting.

Dahil si Seiji na laging may hawak ng telepono ay natututong humawak ng rosas. He's blushing in front of me while giving his torn of rose every morning.

"Nanliligaw ka ba, Seiji?" tanong ni Bianca.

"I am."

At nagsigawan ang buong klase. The table has turned. He's mine.

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now