Chapter 140

17.7K 110 7
                                    

The short story is dedicated to Dionne Mikaila Hernando. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 140

As someone who was the first born from my mother's side, I'd be a big inspiration for everyone. Since my mom came from a very poor family, bihira lang sa kanila ang nakapagtatapos ng pag-aaral, kaya nang sandaling makapagtapos ako at nagkaroon ng magandang trabaho dahilan kung bakit unti-unti nang nakaahon sa buhay ang pamilya.

It's good to inspire your relatives, dahil iyon ang pilit na magtutulak sa kanila para magpatuloy. Isa sa pinakamasarap na nabasa ko ay noong nakatanggap ako ng mensahe sa mga nakababata kong pinsan, tungkol sa lahat ng tulong na ibinibigay ko sa kanila at sa mga magulang nila at sa pangarap nilang sana'y marating nila ang tagumpay katulad ko.

I am currently working as an engineer to a big company in our province, hindi man ganoon kalaki iyon, hindi na ganoong kahirap ang buhay. Kaya hangga't kaya kong makatulong ay tutulong ako sa abot ng aking makakaya.

"Dionne, traffic pa ako. Wait lang, ah?" sabi ng pinsan ko.

Kalalabas niya lang din sa opisina, dahil nadadaanan niya naman ang office ko ay sumasabay na ako sa kanya sa pag-uwi.

Dahil nakikita ko na sa daan ang haba ng traffic ay pinili ko muna magpunta sa isang coffee shop. Sakto na may bata na nagtitinda ng kung ano-ano, dati ay banana chips, laruan, o kaya'y bulaklak.

Kilala na ako ng bata dahil madalas akong bumili sa kanya at minsan ay nagawa ko pa siyang bilhan lahat. Hindi ko siya magawang hindi pansinin o hindi bilhan.

"Ate, ang ganda mo na naman ngayon."

Tumawa ako. "Bibilhan naman kita niyan kahit hindi mo ako bolahin."

"Hindi nga, ang ganda mo talaga, Ate, tapos ang bait bait pa."

I rolled my eyes. "Sige na, dalawa na ang bibilhin ko ngayon dahil binobola mo ako."

"Hindi, ate, ang daming nagagandahan sa 'yo, may mga nalapit pa nga sa akin at itinatanong ang pangalan mo, pero hindi ko binibigay. Baka mga manyak."

Mas ngumiti ako sa kanya. "Ang bait naman."

"Nasaan na mga kasama mo lagi?"

"Hintayin ko lang sila. Naipit sa traffic."

Nang pumasok na ako sa coffee shop, agad tumama ang mga mata ko doon sa malayong table at sa lalaking nakaupo dito. Agad na akong nag-order ng favorite kong coffee, at isang oras akong naghintay bago dumating ang isang pinsan ko.

Papunta na kami sa parking nang harangin ako ng bata at ibigay niya sa akin ang lahat ng bulaklak na dala niya. "Binili na sa akin lahat, Ate Dionne, binili ni kuya."

"Huh? Sinong kuya?"

"Iyong tinatanong yung pangalan mo. Ang galante, sa 'yo na ito."

Hindi ko na sana tatanggapin nang tumakbo na ang bata, napalinga ako sa paligid at hinanap ang posibleng nagbigay nito.

"Manliligaw mo?"

Umiling ako.

Hanggang sa may nahulog na note, pinulot ko iyon sa lupa.

"I hope I'll get to know you more. You're a kindhearted woman and a pretty one. God bless – Vance."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now