53 - HMS Vengeance

26.3K 1.1K 63
                                    


The short story is dedicated to Honey Cosme. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 53

Today is our school festival. The most awaited event for every student. Para na kasi iyong bakasyon dahil sa halip na mag-aaral ay puro co-curricular activities at sa sandaling magawa mo pa iyon ng maayos ay magkakaroon ka ng incentives na makakapagpataas ng grade mo.

I chose to participate in the theater club since acting is my cup of tea. Pero nang nag-audition ako, hindi ko inaasahan na sa bida pa ako mabibigyan ng role. I was really hoping to be one of the supporting characters, para hindi na gaano kabigat iyong kakabisaduhin ko pero wala akong nagawa, nabigay na sa akin.

Naayusan na ako ng mga kaibigan ko at suot ko na rin ang costume ko. Hinihintay ko na lamang ang lalaking siyang ka-partner ko na hindi man lang umatend ng practice kahit isang beses.

They told me that he was good na naman daw kaya hindi na kailangan mag-practice, pero hindi ba dapat may kahit isang beses man lang?

Habang hawak ko iyong script, 'di ko maiwasang hindi humanga sa stage kasi sobrang ganda talaga ng pagkakagawa.

It was like a real forest, kung gagawan ng film iyong play namin sigurado akong magiging maganda ang labas.

Dahil wala pa namang tao ay sumampa na ako sa stage, I touched some of the details and I couldn't help but be awed. Binuhat ko ang mabigat kong saya at naglakad-lakad ako hanggang sa may sumagi sa sulok ng aking mga mata.

A man.

"Hey?"

I tried to call him pero hindi niya ako nilingon. Kaya hinabol ko siya, "Saligt lang!" pero hindi siya lumingon sa akin pabalik.

Hanggang sa magpatuloy ako sa paglalakad, hakbang ako nang hakbang nang mapansin ko na nakakarami ako at tila lumalayo.

How could I be...

Nang lumingon ako pabalik ay wala na ako sa stage sa halip ay nasa gitna ako mismo ng kagubatan!

"What the—nasaan ako?"

"Bakit mo ako sinusundan? Isa ka bang espiya?"

"What?"

Nang tumingin ulit ako sa unahan ay tuluyan nang nanlamig ang buong katawan ko. May makisig na lalaking nasa harapan ko ngunit ang kamay niya'y may hawak na mahabang espada na nakatutok sa aking leeg.

"H-hindi kita sinunu—" nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Siya ba iyong nakita ko?

"N-nasaan tayo?"

Kumunot ang noo ng lalaki. "Huwag mo akong linlangin! Siguro'y isa kang bitag! Akala ba nila'y mahuhulog ako sa bitag dahil nagpasunod sila sa akin ng isang dalaga?"

Lumunok ako sa sinabi niya.

"Ano ba ang iyong sinasabi? Nasa play na ba tayo? Ikaw ba ang partner ko? Is this whole thing part of the props?"

"Huh?"

"Ikaw ba iyong ka-partner ko? Wala 'to sa script."

Kumunot lalo ang noo niya. "Sino ka, babae?"

"Ako ang iyong kabiyak sa—"

"Kabiyak! Ngunit binata pa ako!"

Ngumuwi ako, wala iyon sa script. "Tanggalin mo ang espada sa leeg ko! Tunay ba iyan? Gago ka!"

Ngunit suminghap ang lalaki sa sinabi ko at mariin akong pinakatitigan. "Hindi maaari... ikaw iyong babae sa Floredel... bakit mo ako sinundan... hindi kaya..."

Bigla kong naalala na nabuntis nga ng lalaking bida ang babae sa play namin, hindi iyon alam ng lalaki dahil basta na lang iyon umalis nang inakalang pakakasal sa iba ang babae.

"Nagbunga..." iyon ang sabi ko. Hindi ko matandaan kung iyon nga ba ang nasa script.

Umawang ang bibig ng lalaki at mabilis niyang tinulay ang distansya namin. Hinapit niya ang bewang ko at siniil niya ako ng halik na nagpalaki ng mga mata ko.

Wala iyon sa script! Gago siya!

"Gago—"

"Paninindigan kita, mahal..."

Sasampalin ko na sana siya ngunit nagdilim ang paningin ko. Sa aking muling pagmulat ay mga kaibigan ko na pinapaypayan ako ang sumalubong sa akin at pamilyar na lalaki ngunit iba na ang kasuotan.

"Honey... okay ka lang ba?" tanong ni Klarise.

Umiling ako at marahas kong itinuro ang lalaking nakadungaw sa amin na may nakakunot na noo.

"That idiot kissed me!"

He smirked at me. "Kakadating ko lang, may kissing scene ba tayo? Pero pwede rin..."


Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now