51 - HMS Victorious

22.1K 1K 30
                                    


The short story is dedicated to Allaiza Rose Olorezl. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 51

Ilang araw na akong palipat-lipat ng trabaho. It's funny to say this but after I'd encountered that extraordinary sunflower girl, one night after my office work my world turned upside down.

O tamang sabihin na bigla akong dinala sa panahon na hindi ko alam. I must be dreaming or something, pero iyong ilang linggo ka nang nananaginip? Normal pa ba iyon?

Kaysa magmukhang baliw sa panahong ito, ginawa ko ang praktikal na dapat gawin. I inquired for a job, at dahil dinala ako ng mahiwagang bata sa panahon na simple lang ang pamumuhay ng mga tao at walang computer o cellphone, naging serbidora ako ng isang kilalang restaurant (kainan).

Should I even ask to be the manager? Iisa na yata ang may-ari at ang manager dito.

"Allaiza! May order pa rito!"

"C-coming! Ay, nandyan na po!"

Nagtungo ako sa ikatlong lamesa at sa kamalasan ko pa iyong mga lalaki na naman na saksakan ng yabang. Hindi miminsan kong inisip na lasunin na ang mga iyon.

"Magandang gabi po, ano po ang order n'yo, Sir?"

May mga babae rin sa paligid ng lamesa nila na kapwa akbay ng mga lalaki. Like duh? Siguro sila iyong sa panahon ko 'yong mga mayayamang mayaman na laging may kasamang mga babae.

The man in the middle gave me their orders, at sa paraan ng titig niya sa akin kulang na lang ay hubaran niya ako. Hindi pa yata sapat ang dalawang babaeng kaakbay niya.

Seriously?

"Anything else?"

"Wala na."

Pinagpasensiyahan ko lang siya, nagtungo na ako sa counter at sinabi ko ang order nila. Hindi na ako ang nagdala ng pagkain sa kanila dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ihampas sa kanya ang mga order nila.

My shift ended in a good way. Wala naman akong na-encounter na kasing bastos katulad ng lalaki.

I was expecting a peaceful walk to my way home when a shadow near the lamp post moved, and when the light above it visualized the stranger, my footsteps faltered.

He's the same insolent man!

"Hi."

Agad kong inilabas ang payong ko at iniharang ko iyon sa kanya. "H-huwag kang lalapit! Sisigaw ako! Gago ka!"

Bago pa man ako nakatakbo ay agad siyang nakalapit sa akin. I tried to hit him with my umbrella, but he was too skilled enough to overpower me. Tinakpan niya ang bibig ko hanggang sa magawa niya akong hilahin sa madilim na eskinita.

My eyes immediately watered.

"Hush... someone's has been following you... can't you see?" natigil ako sa pagwawala, biglang nagpakita ang hindi iilang lalaki na tila may hinahanap.

"May kausap lang siyang lalaki, bigla akong nawala ang atensyon ko, may nagtatalong mag-asawa na humarang sa akin." Rinig kong sabi ng isang lalaki.

Ilang minuto kaming nagtago ng lalaki bago niya ako pinakawalan.

"W-who are you? Why are you helping me?"

"Your father sent me here to—" his words were cut off when he looked down on his stomach.

My eyes widened. He was shot. Bago pa man ako nakasigaw ay naramdaman ko na ang isang malakas na pwersa sa ulo ko hanggang sa kadiliman na ang namayani sa akin.

I woke up dizzily, daig ko pa ang nakainom. I expected to open my eyes inside my old fashion room, pero bumalik na ako sa totoong panahon ko.

Pero ang talagang nakapagpagising sa akin ay ang pamilyar na lalaki na nakasuot ng itim na suit na nakadungaw sa akin katabi ni Daddy.

"Y-you!" itinuro ko siya.

"Yes, I am your new bodyguard, Ma'am Allaiza."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now