Chapter 129

2.7K 49 1
                                    

The short story is dedicated to Filipina Oliver Geronimo. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 129

"Sa tingin ko lang, ah, Melani? Crush ka talaga nina Dan, Daniel at Ralph."

"Wow, ah? Ang haba naman ng hair ko. Bakit naman ako magiging crush ng mga iyon? Hindi ko nga nakakausap ang mga iyon."

I shrugged my shoulders. "Lagi kang kinakausap ni Dan. Ralph always wants to tease you. While Daniel? Lagi siyang nakatingin sa 'yo sa tuwing hindi mo nakikita. Look up, nakatingin siya."

"Stop it, Filipina."

Matapos namin ni Melani na bumili ng fishball at strawberry shake ay bumalik na kami sa campus. "Una na ako sa taas, Filipina, ah?"

"Yes. Bili lang ako ng experiment paper."

Nagsisi ako na pinauna ko na sa pag-akyat si Melani dahil may hawak pa nga pala akong pagkain, baka mabasa iyong bibilihin kong experiment paper. Kaya wala akong ibang choice kundi luminga sa paligid. Eksaktong dumaan si Kai.

"Kai, aakyat ka na ba?"

Natigil pa siya nang tawagin ko siya. "Me?"

Itinuro niya ang kanyang sarili. Tumango ako. "Puwede patulong? Aakyat ka na ba?"

"Oo."

Kinuha niya iyong fishball na hawak ko. Pinunasan ko muna iyong kamay ko sa palda ko para tanggapin iyong experiment paper sa tindahan ng school namin. "Thank you po."

"Aasarin tayo ng classmates natin."

"Oh, nakisuyo lang naman ako sa 'yo. OA ka naman masyado."

"Or is this your way to get close to me?"

I laughed. "Tigilan mo ako, Kai. Hindi ikaw ang type ko. Ilakad mo na lang kaya ako sa friend mong si Ian?"

He huffed. "You have a very bad taste in men."

"Wow, ah?"

"May girlfriend na iyon."

"Oh? Bakit hindi ko narinig?"

"Mahiyain iyong babae, hindi rin yata gusto na alam ng buong year."

"Sabagay."

"Brokenhearted ka naman?"

"Nah, crush lang naman siya. Hindi ko naman talaga gustong jowain."

"Oh, we're different then."

"Kapag crush mo gusto mong jowain?"

"Why not?"

Nang makarating na kami sa classroom namin ay inihatid niya pa ako sa upuan ko at ipinatong na niya iyong fishball ko sa lamesa. Dahil hindi naman kami madalas magsabay ni Kai, inulin nga kami ng tuksuhan ng mga kaklase namin.

"Ayun, nanliligaw na si Kai."

"No way," he said.

I rolled my eyes. "Duh, nakisuyo lang naman ako sa kanya."

That's how Kai and I spent our high school days. Bihira lang kami mag-usap at kung mangyari man iyon ay dahil magka-group kami sa isang subject.

***

Years had passed and he was still the same handsome man I'd met when I was in high school. He still had that haughty atmosphere around himself. Ganoon naman talaga siguro kapag alam sa sarili na guwapo.

Nagulat na lang ako na empleyado siya sa sister company ng kumpanya ko. Akala ko nga ay hindi niya pa ako makikilala nang bigla siyang lumapit nang mag-isa na lang ako sa table, may hawak siyang baso ng alak.

"Filipina, how are you? I never thought I'd see you here."

"Kai . . ."

Naupo siya sa tabi ko. Amoy alak na siya. He leaned closer as he played with his glass filled with ice cubes. "Akala ko talaga ay namamalikmata ako. God, my first love after so many years . . ."

I blinked. "W-what?"

"Manhid ka lang talaga siguro or you're not really interested."

"Excuse? Nanligaw ka ba noong highschool?"

"Why would I do that? You like my best friend."

I sighed. "Well, that's just a childhood admiration. So, kumusta ka na?"

Pagbabago ko ng usapan. "I am still single. Are you married?"

"Wow. So fast."

"Are you?"

"Single ako."

Lumawak ang ngisi niya at napasandal siya sa lamesa. "You okay if I court you? You know, I've established my career. I have a business. Land, car, and even if you stop working, I can provide for you."

Natawa ako. "Are you proposing?"

"If you say yes, pakakasalan kita ngayon."

I laughed more. "You're drunk. Ask me again if you're sober."

Huminga siya nang malalim at humilig sa akin. "Sure. It's good to see you again, Filipina."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon