47 - Mary Celeste

24.5K 1K 33
                                    


The short story is dedicated to Shane Mary Roxas. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 47

I was one of the recruited women, I pledge my loyalty not just to the captain but to her goals. Isa ako sa mga babaeng handang ibuwis ang buhay para lang matulungan siyang makarating sa islang punong-puno ng kasalanan.

"Shane, sa tingin mo ay magiging matagumpay ang misyon ni Kristine?" tanong sa akin ni Jhunamaye.

Kristine volunteered herself to act as the bait. Hinayaan niya ang sarili niyang tangayin ng mga lalaking halang ang kaluluwa para dalhin sa unang parte ng operasyon para madala ang isang babae sa misteryong isla.

I was the one responsible to follow the enemies tracks, dito ko nakilala si Nayumi, isang kapwa babae na nagtatrabaho sa ilalim ng mapansamantalang kalalakihan.

I fought the urge to kill her, dahil paano niya nagagawang sikmurain ang ganoong trabaho? But when I looked at the bigger picture, I just found out that her family was almost dying of hunger. Iba talaga ang nagagawa ng kahirapan, kahit anong patalim ay kakapitan.

"Dapat lamang, hindi lang ako o ikaw ang naghihintay sa pagbabalik niya. Even the captain. Kailangan natin ng impormasyon na siyang gagamitin natin. We couldn't just sail without any weapons."

"Shane, paano kung wala talaga siyang nalalaman? Ikaw rin ang nagsabi sa kanyang unang dumadaan ang mga bihag, paano kung hindi na nagbibigay pa ng ibang impormasyon sa kanya ang kalaban? What if she betrayed us?"

Dumiin ang hawak ng kamay ko sa baso. "She won't, ako ang unang papatay sa kanya."

Hindi pa man nakikita ng kapitan namin si Nayumi ay sinabi niyang nais niya itong isama sa aming lumalaking grupo. She wanted her visions in life, the way she made efforts for her family at itong trabahong ito ang ang tanging nagkamali siya.

I tried to force a threat to her, dahil hindi ko makita ang magandang parte sa kanya. But the captain enlightened me with her words, isang bagay na kailanman ay hindi ko nagawang salungatin.

I remembered how she recruited me. I thought I'd lost my life... but she was there... standing in front of me with her shadows in front of light...

Tagapaglinis ako ng sapatos ng mga maharlika, ito ang ikinabubuhay ko nang sandaling lumabas ako sa ampunan. I got my first salary, at matagal ko nang napagplanuhan ang una kong bibilhin.

Isang sapatos. Nakakatawang isipin na halos isang taon na akong nabuhay sa harap ng iba't-ibang klase ng sapatos pero ako ay wala man lang maayos na pampaa.

Masigla akong naglalakad-lakad sa pamilihan na may kasamang pagsipol nang mapansin kong may isang batang babae ang nagtatangkang magnakaw ng tinapay sa isang tindahan.

Agad akong tumakbo para pigilan siya, maaari ko siyang bigyan ng salapi kung gusto niya ng tinapay.

"Saglit—" napangiti ako nang abot kamay ko na siya. Magagawa ko siyang pigilan!

Pero nang sandaling hawak ko na ang kanyang balikat, biglang nagdilim at kapwa kami napatingala. Isang matangkad at malaking lalaki ang nakapamaywang sa amin.

"Mga magnanakaw!"

Marahas kaming binuhat nito na parang mga daga at ibinagsak sa semento, wala ang mga itong pakielam kung mga bata at babae kami.

"H-hindi ako magnanakaw! May pambili kami!" nangangatal kong inilabas ang mga salaping kinita ko. Pero maging ito'y sinabi nilang isa ring nakaw!

Nagsimula na kaming batuhin ng mga tao, hindi ko man kilala ang batang babae ay pilit ko siyang niyakap at protektahan.

Ramdam ko na ang sakit sa bawat bato nila sa amin at hindi na ako nagulat nang magdugo na ang aking mga balat.

"Magkanong halaga ang nawala? At aking tutumbasan ng higit sa limang beses!" isang karwahe ang tumigil sa gitna ng kaguluhan.

At nanlaki ang mga mata ko ng biglang nagsabog ng perang papel ang babaeng bumaba sa karwahe, ang kanyang mukha'y nakatago sa likod ng nakababang itim na sombrero.

Iniharang nito ang kanyang katawan sa mata naming dalawa at hinayaan niyang magkagulo ang mga taong hindi namin nakikita.

"Alam n'yo bang karahasan at kasakiman ang bagay na hindi dapat ipakita sa mga inosenteng?" sabi nito na walang pakielam kung may nakikinig sa kanya.

Siya'y humarap sa amin dalawa at kapwa niya kami inalalayang tumayo. Hindi ko mapigilang hindi lumuha kasama ng batang babae habang nakayukong nakangiti sa amin ang babae.

Napansin niya ang sira-sira kong sapatos, at halos matunaw ang puso ko nang tanggalin niya ang kanyang sapatos. Lumuhod siya sa akin at itinapat sa aking mga paa ang kanyang sariling sapatos.

"Subukan mo..."

Malaki man ang sapatos sa akin ay hinayaan ko ito sa aking mga paa. "Tayo na..."

Inilahad ng babae ang kanyang mga kamay sa amin patungo sa karwahe...

At nang sandaling tumapak ako sa kanyang karwahe gamit ang kanyang sariling mga sapatos ipinangako ko sa sarili kong paglilingkuran siya. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon