58 - HMS Diamond

18K 951 66
                                    


The short story is dedicated to Michelle Orge. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 58

Hedeon Martinez has been my crush since I was elementary. He's my brother's best friend at sa tuwing pumupunta siya sa bahay halos hindi na matanggal ang kaba sa dibdib ko.

Ilang taon ko nang itinatago sa kanya ang matinding pagkagusto ko sa kanya, dahil sa takot na rin kay Kuya, kontento na rin naman talaga ako na tumitig sa kanya sa malayo o kaya ay magnakaw ng sulyap, pero habang lumalaki na ako at nagkakaisip unti-unting mas lumaki ang pagkagusto ko sa kanya.

I don't want him to look at me just like a little sister anymore. Kasi sa simula pa lang ay iyon na ang turing niya sa akin. Hindi na maganda ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang nilalapitan ng ibang babae.

I want it to be me. Alone.

Huminga ako nang malalim at mas pinalakas ko ang loob ko. Dapat ay tapangan ko na kung gusto kong mapasa akin ang kaibigan ni Kuya.

"Kuya, nasaan si Hedeon? Parang ilang Sabado na siyang hindi nagagawi rito?"

Tamad na lumingon sa akin si Kuya. "How many times do I need to tell you to call him kuya? Walang galang?"

I rolled my eyes. "Kapatid ko siya, kapatid?"

"He's almost a brother to—"

"You. Alam mo naman na matagal na akong may gusto roon sa kaibigan mo. Nagkukunwari ka lang na hindi mo nalalaman."

Ngayon ay mas ibinigay na sa akin ni kuya ang kanyang atensyon.

"Ilan taon ka na, Michelle?"

"I am about to turn eighteen. At magpapaligaw ako kay Hedeon, sa ayaw at sa gusto mo!" tumaas ang kilay ni Kuya.

"Liligawan ka ba?"

"Right. Liligawan ba kita, Michelle? Come on, just study." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko.

Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa kanya na parang wala lang iyong sinabi niya sa akin.

"Saan tayo pupunta? I want you to meet my girlfriend. Susunduin ko mamaya." Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko sa kanya.

"W-What?"

Tipid na lumingon sa akin si Hedeon. "Michelle, I am almost a brother. And you're still a kid." Ibinalik niya ang atensyon kay Kuya. "So, let's go?"

Sa sobrang inis ko sa kanilang dalawa ni Kuya, pareho kong pinaghahampas ang braso nila bago ako tumkbo pabalik sa aking kwarto.

Buong magdamag akong nag-iiyak sa nalaman kong iyon. Bakit ganoon siya? How could he casually reject me?! Gago siya!

Simula nang araw na iyon sinabi ko sa sarili ko na mag-aaral akong mabuti, hindi ko na inisip si Hedeon at ang ilang taon kong paghanga sa kanya.

I focused on my studies. Hanggang sa makapagtapos na ako ng pag-aaral. My whole family was congratulating me with hugs and kisses. Pero may isang tao na hindi ko inaasahang lalapit sa akin na may dalang bulaklak.

He's an engineer now with a stable job. Iyon ang nabalita ko kay Kuya.

"Happy graduation, Michelle."

"T-Thank you..." nag-aalinlangan akong tanggapin ang bulaklak niya.

Pansin ko na kapwa nanunuod sa amin ang mga kamag-anak ko na parang inaasahan na nila ang ganoong eksena.

My brows creased. They are so weird.

"W-What's wrong?"

"It's okay now, right? Pwede ko na pong ligawan si Michelle? I already gave her space to study. Nakapagtapos na rin po ako ng pag-aaral at nakakuha ng maayos na trabaho. Am I qualified now?"

Umawang ang bibig ko habang pabalik-balik na ang tingin ko sa mga kamag-anak ko at Hedeon.

Nang ngumiti ang mga kamag-anak ko sa kanya, lumawak ang ngiti ni Hedeon sa akin.

"So... Michelle, will you be my---"

Hindi ko na siya hinihintay na magsalita. Mabilis akong yumakap sa kanya na nakataas ang isang paa ko.

"Yes! Yes, I'll marry you!"

He chuckled. "Nanliligaw pa lang ako... pero pwede na rin..." he whispered.


Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now