17 - Battleship uss IOWA

39.5K 2.2K 97
                                    


The short story is dedicated to Lenlen Gabucay. Thank you for helping me during the muting days!


Chapter 17


"Lenlen! Humingi ka nang paumanhin sa kanila!" napapikit ako sa sigaw ni tatay sa akin.

Walang tigil si nanay sa paghaplos sa likuran ni tatay habang nanlalaki ang mga mata nito sa akin.

"H-Hindi ko naman po talaga sinasadya, masama na po ba ang maging alerto? Gusto ko lang mapangalagaan ang sarili ko." Pangangatwiran ko.

"Ngunit hija, kawawa naman itong anak kong napagkamalan mong magnanakaw. Papaano kung hindi nakarating ang mga tanod baka napatay na itong anak ko ng taumbayan." Katwiran ng nanay niya.

"Look at my face! Look at this damn black eye, tingnan mo ang mga pasa ko sa braso. Dapat ang babaeng ito ang ipinakukulong!" gigil akong itinuro ng lalaki.

Hindi ako makasagot, kasalanan ko. Oo kasalanan ko!

I was on my way home, ramdam kong parang nabubuksan ang zipper ng bag ko. Of course, ang una kong iisipin may magnanakaw kaya mabilis akong sumigaw ng magnanakaw at itinuro ko ang lalaking nasa likuran ko.

Few people helped me, pero nakarating rin ang mga tanod at nakilala nila ang lalaki.

Ang pamangkin pala ng kapitan ng barangay namin si kuyang nabugbog na kadarating lang noong nakaraang linggo mula sa kabilang bayan. Kaya ito, nandito sila sa bahay at inirereklamo ako.

Walang tigil sa paghingi ng dispensa ang mga magulang ko habang nanlilisik ang mga mata sa akin ng lalaki.

Mukha namang mabait ang guardian niya, dumaan na rin dito si kapitan at pinagsabihan ako. Nakakagulat lang na bigla siyang pumunta dito ngayong gabi.

"Makakarating ito sa mga magulang ko, I'll file a case. Paano kung napatay ako dahil sa pagsigaw-sigaw ng babaeng 'yan? Walang utak."

"Sorry na nga sabi e! Sorry na! Ano ba ang gusto mong gawin ko?" tanong ko dito.

Hindi ito sumagot sa akin sa halip ay tumayo na ito.

"Nanang! Let's go." Tinapunan ako ng lalaki ng masamang tingin. "Magkita tayo bukas."

Basta na ito umalis at hindi man lang pinansin ang pagpapaalam ng mga magulang ko.

"Tingnan mo? Tingnan mo ang ginawa mo Lenlen?!"

Kaysa makinig sa walang tigil na pagmumura sa akin ni ama, nagmadali na akong umakyat sa aking kwarto, tinakpan ang tenga at nakatulog sa kakaisip kung ano ang ipagagawa sa akin ni—ano ba ang pangalan ni kuyang nabugbog?

Maaga pa lang ay ginising na ako ni nanay, sinabi nito na pumunta na ako sa bahay ni kapitan dahil nandun daw 'yong nabugbog na lalaki.

Mapapadaan ako sa maliit na court ng basketball bago ako makarating sa bahay ni kapitan, pero agad sumagi sa mga mata ko ang likuran ng dalawang lalaki na nagbabasketball.

Nag-aagawan ang dalawang lalaki ng bola nang kapwa na sila humarap sa gawi ko.

Hawak ni kuyang nabugbog ang bola at nanlaki ang mga mata ko nang ibato niya sa akin ang bola.

Masyadong mabilis ang pangyayari dahil natagpuan ko na lamang ang unti-unti kong pagbagsak sa lupa nang tumama sa mukha ko ang bola.

Napadaing ako sa sakit habang naiiyak na ako. I heard the laughter coming from the familiar voice.

Nang sandaling dalawang lalaki na ang nakadungaw sa akin, mabilis hinanap ng mata ko ang walang hiyang lalaki.

I forcefully kicked his legs, sinamantala ko ang pagkagulat niya agad akong bumangon at itinulak ko siya dahilan kung bakit sabay kaming natumba sa mabuhanging court.

"Walang hiya ka! Gago ka!" ramdam ko ang pagdulo ng dugo sa aking ilong.

"What the fuck is wrong with you both?!" hindi ako magpapigil.

Pero nagsimula nang makabawi ang lalaki. He immediately changed our position.

I tried to struggle against him but he's stronger. Wala akong tigil sa pagmumura at pagpupumiglas sa kanya.

But what made me stop were his harsh lips on mine. Natigil ako sa pagwawala at nanlalaki ang aking mga mata nang pakawalan niya ako.

"Joaquin, ngayon mo isumbong ang pangalan ko. Ngayon ako nagnakaw. Nagnakaw ng halik."


--

VentreCanard 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now