Chapter 83

7.4K 365 89
                                    

The short story is dedicated to Ashley Jade Vargas. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 83

"Ashley..."

"Ashley..."

"Ashley Jade Vargas!"

Nang marinig ko na ang buong pangalan ko ay nagising na ako sa pagkakatulala ko. Tinanggal ko ang pangangalumbaba ko at lumingon ako sa aking kanang direksyon kung saan nakaupo si Sophie.

"Why?"

"Kanina ka pang nakatulala riyan. Can't you stop staring at him?"

I rolled my eyes. Ibabalik ko na sana ang pagtitig kay Yael nang makita kong wala na siya roon sa lamesa niya. I accusingly looked back at my friend.

"Hayan! Biglang nawala."

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang umikot ang mga mata sa akin.

"I told you to stop admiring him. He may be quite handsome, mysterious, and whatever qualities that you're attracted to, but he's so weird and anti-social. Even if you try to approach him, you'll never get a response. Have you seen some of the boys who tried to be friends with him?"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Sophie.

"Alright."

Hanggang sa matapos ang klase ay tanging si Yael lang ang nasa isipan ko. How can I stop admiring him? Simula bata pa kami'y nakuha na niya ang atensyon ko.

Because Yael is my neighbor. At wala kahit sino ang nakakaalam niyon.

Uwian na. Kaliliko ko lang sa isang kanto nang makita ko na ang pigura ni Yael na naglalakad sa unahan ko. Madalas ay ganito ang eksena naming dalawa pero ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob sumabay sa kanya.

Paano kung hindi niya naman ako kilala?

Paano kung titigan niya lang ako?

Siguro nga'y mas mabuting tanawin ko na lang siya mula sa malayo.

Minsan ay tinanong ko si Mama tungkol sa kapitbahay namin at doon ko nalaman na produkto pala si Yael ng broken family. His childhood is not the same as mine, na masaya at punung-puno ng pagmamahal.

Gusto ko man siyang ipagtanggol sa mga usap-usapan sa school tungkol sa pagka-weirdo niya pero wala naman akong karapatan.

Mariin ang hawak ko sa strap ng nakasakbat kong bag habang nakatuon lang ang mga mata ko sa likuran niya. Akala ko'y hanggang sa makauwi kaming dalawa'y wala nang mangyayaring kakaiba, pero nang bigla siyang tumigil at tumingin sa likuran pakiramdma ko'y para akong tinamaan ng kidlat. Halos impit ang paghinga ko at mangatal ang tuhod ko, lalo na nang nagtama ang aming mga mata.

Pero siya iyong unang nagbawi ng tingin at mas yumuko siya habang naglalakad. Ilang segundo siguro akong nanatiling nakatayo lang habang nakatitig sa kanya bago ako matauhan.

But when I was about to make another steps, a sudden raindrop kissed the tip of my nose. Napatingin ako sa langit kasabay nang paglahad ng palad ko para damhin ang biglang paglakas ng ulan.

Halos napapadyak ako sa asar habang kinukuha iyong payong ko sa bag, pero nang sandaling buksan ko iyon at tumamang muli ang mata ko sa likuran ni Yael, siya naman ngayon ang nakatigil habang nakalahad rin ang palad sa ere at nakatingin sa langit.

Hinintay ko siyang maglabas ng payong pero ang tanging ginawa niya'y magpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob ng mga oras na iyon, pero nakita ko ang sarili kong tumatakbo patungo sa kanya habang hawak iyong payong ko.

Nangangatal pa ang dalawa kong kamay nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya, agad kong itinaas ang braso ko para maabot siya ng payong at alinlangan pa akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"S-Sukob tayo sa payong ko, Yael. Ano... magkapitbahay pala tayo... pero kung ayaw mo, okay lang. Aalis na lang ako—" natigil ako sa pagsasalita at pagpapaliwanag sa kanya nang biglang humampas ang malakas na hangin na halos madala ako.

Akala ko pa nga ay mabibitawan ko ang payong at madadala ako ng hangin, pero nanlaki ang mga mata ko nang may mainit na kamay ang sumalikop sa kamay kong nakahawak sa payong. At may isa pang kamay ang humawak sa balikat ko para alalayan ako.

"A-Ano..." pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko nang muling nagsalubong ang aming mga mata sa ilalim ng payong.

"S-Sorry..."

Tipid siyang ngumuso. "Ang payat mo kasi, nalilipad ka tuloy ng hangin."

"Huh?"

Binitawan niya ako at siya na ang humawak ng payong. "Salamat, Ashley."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ang pangalan ko. "K-Kilala mo 'ko?"

Tumango siya. "You're my neighbor and classmate."

Unti-unti akong napangiti sa kanya. "Ano... Yael, pwede bang makipagkaibigan?"

Narinig ko siyang tipid na napatawa sa sinabi ko. "You're weird..."

Hinatid ako ni Yael hanggang sa pintuan ng bahay namin. And I thought that was the beginning of our good friendship, not when until I got news from my mother that Yael and his mother flew back to the states to settle there for good.

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now