Chapter 110

2.8K 76 3
                                    

The short story is dedicated to Mikaella Tullao. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 110

Halos isang linggo ko nang paulit-ulit narinig sa kaibigan ko ang kuwento niya tungkol kay Lyle nang sabihin nitong maganda siya.

Of course, who wouldn't consider my friend Nica pretty? Kahit sa mata ng babaeng katulad ko ay mapapadalawang tingin sa kanya.

Nica almost have everything, hindi lang ganda kundi talino, kaya hindi na bago sa akin na makarinig ng papuri sa kanya.

"Nakikinig ka ba, Mikaella?"

Tumango ako sa kanya habang nakayuko ako sa libro ko. Iba talaga ang problema ng mayayaman, kung paano lang mapapansin ng mga crush nila, paano naman akong maraming intindihin sa buhay?

"Labas tayo bukas?"

"May part time job ako, Nica."

"Ay, kailan ka free?"

"Last week lang."

Napanguso lang siya sa sinabi ko. Si Nica naman ang tipo na hindi niya ipinipilit ang gusto niya dahil nirerespeto niya ang mga ginagawa ko sa buhay. She even told me that she envied me for my hard work. Bakit kaya ganoon? Ano ang dapat niyang ika-inggit na kagaya kong mahirap?

Minsan ay napapaisip na lang ako kung sadyang sakit na ito ni Nica na talaga interesado siya sa mahirap na katulad ko. Dahil sa halip na mayayaman ang siyang kaibigan ay mas pinili niya ang katulad ko.

"Hatid na lang kita sa part time job mo."

"Okay."

Nang ihatid na ako ni Nica sa isang malaking eatery kung saan nagse-serve ako ng pagkain, kapwa namin napansin ang bagong part timer na siyang kausap ng may-ari, at natulala na lang si Nica nang makitang si Lyle iyon.

Ilang beses akong umiling kay Nica nang lumingon siya sa akin na may pagtatanong. "I don't know."

"Ah, ang daya, gusto ko rin mag part time!"

"As if your rich parents will allow you. Sige na, umuwi ka na. I have to work."

Laglag ang balikat ni Nica nang lumabas na siya ng eatery. Dahil mas matagal na ako ay sa akin inihabilin ng may-ari ang pagtuturo kay Lyle. I was civil with him dahil wala naman akong dahilan para makipagkaibigan sa kanya.

Pero pansin ko na hindi lang iilang customer ang talagang naagaw ang atensyon dahil kay Lyle dahil hindi naman talaga maitatanggi ng guwapo siya.

It was fine in the few weeks, pero matapos ang ilang linggo ay nakakaramdam na ako ng hindi tama sa pagtulong sa akin ni Lyle, ang pagsabay niya sa akin sa pag-uwi at pagbuo ng usapan sa pagitan namin na hindi ko naman inaasahan.

He's even chatting me, at kailanman ay hindi ko nireplyan. He's interested with me. Akala ko ba ay gusto niya si Nica?

Naglalakad na kami sa may daan papunta sa sakayan ng dyip nang mas binilisan ko na ang paglalakad para hindi na siya makasabay.

"Is it because of Nica? Kaya ba pilit mo akong iniiwasan?"

Natigil ako sa paglalakad at lumingon ako sa kanya. He might be the smartest and most handsome guy I've ever met, pero hindi ko ipagpapalit ang friendship namin ni Nica.

Huminga na ako nang malalim. Bago pa ako higit na maapektuhan sa lahat ng bagay na ginagawa niya para higit ko siyang mapansin, kailangan ko nang bigyan siya ng malinaw na kasagutan.

"I don't like you. And I appreciate that we remain civil with each other, Lyle."

"Mikaella, I like you from the very beginning, and I got frustrated when Nica gave me signs. . . na hiniling ko na sana ikaw. I am sorry if I bothered you."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon