Chapter 74

14K 637 49
                                    

The short story is dedicated to Fatima Claire G. Arangcon. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 74

Padabog akong nagmamadaling tumakbo patungo sa pintuan para buksan iyon. Ako lang ang tao sa bahay kaya ako na naman ang nakikitang pagtripan ng kapitbahay naming gago!

"Gago!" malakas na sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan.

And yes! I finally saw the damn culprit who was about to jump on our wall fence.

"Paulo Viado!" I shouted at him.

Bigla siyang nalaglag sa pag-akyat niya, malalaki ang hakbang ko patungo sa kanya, hindi siya makalingon sa akin habang nakataas sa ere ang dalawang kamay niya.

"Nahulog ko lang ang bola rito sa inyo, Fatima! Believe me!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at marahas ko siyang pinaghahampas sa braso niya. "Hindi mo baa lam na abala ako! Naglilinis ako ng bahay! Doorbell ka nang doorbell! Bakit hindi ang bahay n'yo ang i-doorbell mong gago ka?!"

Tawa siya nang tawa habang sinasalag niya ang bawat hampas ko.

"Fatima, come on, it's vacation. Hindi na kita nakikita. Nagpapapansin lang."

Suminghap ako. "Araw-araw kitang nakikita tuwing umaga!"

Lagi akong nagjo-jogging, hindi ko alam kung konektado ba sa kanya ang alarm clock ko pero sa tuwing lalabas na ako ng gate para mag-jogging nasa labas na rin siya ng gate nila at nagkukunwari na paalis na rin.

"Ano na naman ba ang kailangan mo? Isusumbong na talaga kita sa Mommy mo! Lagi ka na lang nang-aabala!"

He chuckled. "She'll not scold me. Alam niya naman na may gusto ako—" I raised my hand in dismissal.

Ilang beses na niyang sinabi sa akin na gusto niya akong ligawan at may gusto talaga siya sa akin, pero hindi ko talaga magawang paniwalaan iyon.

He's a known playboy in school. Isa pa, sa tuwing nakikita ko siya sa school, iba-ibang babae ang kasama niya. Paano ako maniniwala sa kanya?

I'll make fool of myself.

"Stop buzzing our doorbell! Busy talaga ako ngayon."

"Do you want me to help you?"

"No way."

"Sige na. Wala naman akong ginagawa. Sige ka..." sumilip ulit siya sa harap ng pintuan namin.

Halos mapausal ako ng mura. "Alright! Pinapalinis ni Daddy iyong sasakyan niya. Tulungan mo na lang ako."

Nagliwanag ang mukha niya. Sumunod na siya sa akin nang pumunta kami sa garahe, nakapamulsa siya habang pinapanuod ang bawat galaw ko. Hinayaan ko lang siya hanggang sa maayos ko ang mga gagamitin namin.

Binigay ko na sa kanya ang hose. "Start it. Ayusin ko lang iyong sabon at basahan..."

"Alright..."

Habang ginagawa ko iyon sa isang sulok, ramdam ko na sa akin pa rin siya nakatingin. When I looked at him, he immediately looked away. Sumisipol-sipol pa nga siya.

Paulo Viado is one of the most playful guys I've ever met. He's also handsome, yes. Pero hindi ko pa rin talaga malaman kung bakit ako ang binibigyan niya ng atensyon. I am not the typical pretty girl in town.

"You're weird, you know that..."

"Hmm... how weird?" he asked.

"Girls flock around you. All you have to do is choose... bakit nag-aaksaya ka pa rin ng oras sa akin? I am not pretty."

"Ikaw ng gusto ko, e. Should I tell them to stop flocking around me? Are you jealous?"

I looked at him incredulously. The confidence!

"You're annoying, Viado."

He chuckled again. "Yes. I like you too."

I looked down on the pail of water, and I felt the sudden heat on my cheeks.

And then, I blinked.

Suddenly, the realization hits me. It's been two years, when Paulo Viado got into an accident that caused his untimely death.

A tear rolled down on my cheeks and made me regret the 'I love you too' I kept during that time.  

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now