Chapter 101

3.3K 108 4
                                    

The short story is dedicated to Jyr Mayeen Tangco Dalisay. Thank you for helping me during the muting days!


Chapter 101

Nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa kaibigan kong si Rica. Even if she didn't tell me what's happening about her, I have this effective radar that could receive latest news about her. Alam ko rin naman talaga na ma-sekreto siyang tao kaya ako na mismo ang umaalam ng balita.

Tsismosa ba? Well, that's the mindset nowadays.

"Si Yosef lang pala ang type niya, hindi niya pa sinabi," kumento ko habang habol ang tanaw ko kay Rica na sumunod nang dumaan na iyong si Yosef na dugyot.

"Now that your bestfriend has her boyfriend, why don't you find your boyfriend as well?" tanong ng lalaking nakapangalumbaba rin sa tabi ko.

I didn't bother to look at him. Dahil habol pa rin ang tanaw ko roon kay Rica na umangkla na ang braso kay Yosef.

"Ehem, ako single," bulong niya sa akin.

Unti-unti na akong napalingon sa kanya habang may nanliliit na mga mata. Wynn is my childhood friend. Lagi na lang kami magkasama at madalas niya rin akong inaasar na gusto niya ako.

Actually our parents have been rooting for us since we were kids, at ngayong mga dalaga at binata na kami, nasanay na lang siguro kami sa setup na ganoon. Even though, I know that he's into other girls. Sa tingin ko pa nga ay napipilitan lang siya na samahan ako dahil sa pakiusap ng mga magulang ko.

"Nauuhaw ako," sabi ko.

I was about to stand up and get a bottled of water sa vendo nang bigla na siyang tumayo. "Ako na."

Hindi na niya ako hinintay na tumango sa kanya dahil nagdiretso na siya doon. Habang kumukuha siya ng tubig para sa akin, sa kanya naman ako napatulala.

I've been unfair with him. Dapat ay kausapin ko na ang parents ko about our relationship. Dapat sabihin ko na sa kanila na huwag na silang umaasa na mas lalalim pa ang relasyon namin.

Everything was just out of a childish promise.

Nakabalik na si Wynn sa lamesa namin habang nakatitig pa rin ako sa kanya. I was just staring at him with his usual smile on his face.

"What?" he asked. Nagawa niya pa akong ipagbukas ng mineral water.

"Why are you so kind to me?"

Natawa siya sa tanong ko. "Of course. You are my Mayeen."

"Hindi ka ba napapagod sa akin? You've been with me since we were kids. Bakit hindi mo na lang sabihin sa parents natin na hindi naman talaga tayo?"

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

"To be free. Alam ko naman na may mga nagugustuhan ka na rin babae. We're not getting younger, Wynn. You should find a good relationship."

Biglang naging seryoso ang mukha niya sa akin. "Why are you pushing me away?"

"Because you deserve it! You shouldn't stay with me—"

"Kahit ikaw ang gusto ko?"

Huminga ako nang malalim. "Are you really trying to insist it?"

"I can prove it to you right now, Mayeen. Try me," mas madiing sabi niya. At nanlaki ang mga mata ko nang mas inilapit niya ang mukha niya sa akin na parang hahalikan niya ako.

"Wynn," nagbabanta na ang boses ko sa kanya.

"I love you, Mayeen, since we were kids. Sa tingin mo ba ay tatagal ako lagi sa tabi mo dahil napipilitan lang ako? Of course, I love you. Simula bata pa tayo ay ikaw lang ang babaeng nakikita ko." 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now