Chapter 139

9.8K 74 4
                                    

The short story is dedicated to Angel Gwen Gabrielle Pineda. Thank you for helping me during muting days!


Chapter 139

"Malapit nang ikasal si Niel. How much sabog, Angel?" Tanong ni Alai.

"Depende siguro kung may guwapo sa reception. Kung puro mga dugyot din naman at mga poging lamig lang. Hindi ko na masyadong tataasan," matabang na sagot ko.

"How about you, Zel?"

Ngumiwi siya. "Ang dami ko na ngang gastos, ganyan pa ang tanong ko. But of course, mayabang ako. Papatalo ba ako sa mga kapatid ko? Fifty thousand lang naman."

Namilog ang mga mata naming ni Alai. "Mayabang nga . . ." we said in chorus.

Kapwa na kami nakapangalumbaba sa second-floor ng Mini Garahe habang sabay-sabay kami napapabuntonghininga. Dahil sa bawat pumaparadang sasakyan doon, ang bumababa lang naman ay puro mag-jowa.

"Hayaan ninyo na, girls. Mas mayaman naman tayo sa mga iyan," natatawang sabi ni Zel.

"Pero araw-araw na lang tayo nabu-bully dahil sa kawalan ng jowa," dagdag ko.

"Ano ba kayo? Hayaan ninyo na sila. Self growth," sabi naman ni Alai.

Tumango na lang kami sa sinabi niya. Dahil pare-pareho na naman kaming tatlo ay hindi na ako kinakabahan. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang isang araw nakatulala na lang kami ni Zel kay Alai na huling dumating sa paborito naming coffee shop habang nakaangkla ang kamay sa isang braso.

"Who is he?" Tanong ni Zel.

"Akala ko ba ay self-growth?" ngiwing tanong ko.

"Hello, cousins, I know that this is biglaan, but let me introduce you my boyfriend, Gelo."

Dahil ayaw na namin ni Zel magmukhang bitter ay pilit kaming ngumiti kahit ilang beses pa kaming nagkakatitigan ng mga oras na iyon. Traydor itong si Alai. Hindi man lang nagsabi.

Kaya pag-uwi ko, wala na akong pinapilian kundi humingi sa friend ko. Si Conrad.

"Hey, why did you call?"

"Samahan mo naman ako sa kasal ng cousin ko. Pakilala kitang jowa."

Natahimik ang kabilang linya, akala ko nga ay naputol ang tawag. "Conrad . . ."

"Ang babaw mo nga. Bakit? Saka ka lang tatawag kung may kailangan ka sa akin."

"Ikaw lang ang alam kong kayang sakyan ang trip ko. Alam mo naman na hindi ko pa talaga bet magjowa, gusto ko lang may ipakita sa kanila para tigilan na nila ako."

I heard him sigh. "Alright. May dress code ba?"

"Yes. Sage green daw dapat."

"Oh, bibili pa ba ako?"

"Kahit ano na lang."

"Alright."

"Hindi ba ako sasabunutan ng girlfriend mo?" ngiwing tanong ko. "Or should you reject my invitation na lang kaya if may girlfriend ka now?"

"Hihiwalayan ko na for you."

"Ay, red flag ka, girl?"

He chuckled. "I don't have a girlfriend. Bukas mayroon na."

Nang araw ng kasal, nagkabiglaan na ang lahat dahil may dala lang naman kaming tatlo na boyfriend.

"Saan mo naman nakilala itong si Angel, hijo? Baka naman namamalikmata ka?" tanong ng isa kong tita.

I rolled my eyes.

Natawa si Conrad at hinawakan niya ang kamay ko. "Actually, I liked her since we were highschool. But she's so studious and I didn't want to be her distraction, now that she's busy chasing her career, I didn't expect that she'd give me a chance. Ang suwerte ko po sa pamangkin ninyo, maganda na, masipag at mabait. 'Di ko na pakakawalan. Kami na susunod." Sabay sulyap niya sa bagong kasal.

Napatitig ako kay Conrad na parang totoo ang mga sinabi niya, hanggang sa humilig siya sa akin at bumulong. "And that's true."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now