62 - HMS Duncan

17.9K 882 68
                                    


The short story is dedicated to Rochelle Lauron. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 62

Nakailang hampas na ang natanggap ko mula kay Llyn simula ng ibalita niya sa akin na sila na raw ni Jaden.

I couldn't believe it at first! Syempre, sa sobrang torpe naman kasi ng lalaking iyon pero nang ikwento na sa akin ni Llyn ang buong kwento hindi na ako nagtaka.

My friend just made the first move! Very good!

"Bakit hindi mo na lang kaya ako gayanin, Rochelle?" umirap ako.

We're still preparing for our school festival. Naka-break lang ang mga tao dahil kanina pa walang pahinga.

Narito sa loob ng classroom namin si Jaden na sunud-sunuran na sa kaibigan ko. He's just keeping his mouth shut while playing his phone, at hantarang nakakalong sa kanya si Llyn.

Alam ko naman na matagal nang may gusto itong si Jaden kay Llyn, pero grabe silang dalawa walang adjustment period? Walang pabebe? Landian agad?

"Ewan ko sa 'yo." Nagtuloy ako sa paggugupit ng papel.

"Come on! Mag boyfriend ka na rin. Look at my boyfriend, pogi na! Amoy tinapay pa! Hot parang pandesal! Medyo timid kapag ako kasama, kaya ako na ang gagahasa..." Jaden choked.

"Llyn... your words..."

"Forgive me, darling. Go on with your game..." naiiling na lang si Jaden sa kanya.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Llyn hanggang sa biglang nagsalita si Jaden.

"I have a cousin..." sumulyap siya sa akin. "Mga katulad mo ang type..."

I waved my hand. Tapos torpe katulad mo? Hindi na lang. "No. It's okay, Jaden."

He shrugged. "Tell me your cousin's name, darling. Let's match them."

"Ayaw ni Rochelle."

"Gusto ko..." ngumiwi ako nang nagpacute si Llyn kay Jaden.

"A-Alright... punta siya rito bukas."

"W-What?!"

Kumindat sa akin si Llyn na malandi at hindi na makatingin sa akin si Jaden. Under!

Kinabukasan hindi ko na pinansin silang dalawa dahil abala na naman ako. Napahinga pa ako ng maluwag ng makita na wala silang kasama, ano ba naman kasi ang iniisip ni Llyn na iyon.

Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend! Lalo na kung kalahi ng boyfriend niyang iyon.

I turned around to place the props at the back when my face suddenly bumped on something hard. Muntik na akong matumba kundi lang may humawak sa bewang ko at alalayan ako.

"Miss, are you alright?"

Ilang beses akong napakurap. Shit. Ang pogi!

But as a good actress, I immediately composed myself. Itinulak ko ang dibdib niya. "Of course. Thanks."

Hindi ko napansin na hawak na pala niya iyong props na bitbit ko kanina. "Saan ko dadalhin?"

"There..."

Naglakad kami sa likuran ng sabay habang pasulyap-sulyap siya sa akin. "You must be Rochelle?"

"Hmmm?"

Napahawak ako sa I.D ko, wala naman akong suot. Paano niya nalaman?

"I am Jaden's cousin."

"Oh..."

Ang layo ng hitsura nila sa isa't isa. Hindi siya mukhang torpe!

I awkwardly smiled at him. "I'm sorry if he said something weird... masyado na siyang naapektuhan ng pinagsasabi ng kaibigan ko."

He chuckled. "Yeah... but it's okay for him. Matagal na niyang gusto si Llyn..."

Ngumiti ako. Kahit sino naman ay agad masasabi iyon. Si Jaden na lang naman ang hinihintay ng buong campus ligawan si Llyn, sobrang torpe nga lang, parang gago.

"Anong department ka? Bakit hindi ka pamilyar?"

"Because you're too busy..."

"Hmm..."

"So... are you single?"

"W-What?"

Napakamot siya sa kanyang ulo. "I know this is quite fast... but to tell you honestly we've been watching you... kami ni Jaden... nauna na ang pinsan ko."

Napairap ako. Magpinsan nga. "I do..." bigla kong nasabi.

"W-What?"

Napatawa ako sa sinagot ko. Hinampas ko ang braso niya. "Yes, I am single. Ligawan mo muna ako! 'Di ako easy to get katulad ng lokang Llyn na iyon."

Ngumisi siya. "I know..."


Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon