Chapter 78

8.9K 530 99
                                    

The short story is dedicated to Julie Rose Mendoza. Thank you for helping me during the muting days!


Chapter 78

"Julie Rose, what is your wish?" Helio asked. He was holding a small dandelion that was starting to lose its petals as the wind blew gently.

Iisa lang naman ang kahilingan ko, iyon ay makabalik sa sarili kong panahon. I didn't know that an antique shop and an old clock would bring me to this unknown world.

Yes, this place is peaceful, sobrang layo sa mundong nakagisnan ko pero iba pa rin ang sarili kong mundo. There, I was a doctor with a good reputation. Ilang taon kong pinaghirapan ang pangalan ko sa mundo ko at hindi ko iyon kailanman ipagpapalit sa mundong kinalalagyan ko.

"I want to go home, Helio. Hindi ako para sa mundong ito."

Kinuha ko sa kanya iyong bulaklak at ako na mismo ang umihip dito para maubos ang bawat piraso nito.

"So... you still want to go back..."

Saglit na kumirot ang dibdib ko. Helio took care of me. Siya iyong tumulong sa akin nang sandaling dumating ako sa mundong ito.

I stayed here for almost half a year and he confessed to me. Inaamin ko na may nararamdaman na rin ako sa kanya, pero mas lamang pa rin iyong ilang taon kong ambisyon at mga pangarap na pilit kong pinaghirapan sa mundo ko.

I couldn't just waste all of those... and become... well, a simple woman doing household chores. Sobrang simple ng buhay rito na napakalayo sa nakagisnan ko.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at pilit akong ngumiti.

"Hinding-hindi kita makakalimutan, Helio... utang na loob ko ang buhay ko sa 'yo. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi mo ako tinulungan. But I am sorry... I can't return your love."

I saw pain in his eyes. Hindi ko na siya gustong paasahin. I am not fit here, I am not totally happy. Maybe in our next life... sa panahong magkatugma na kami.

Habang magkasama kami ni Helio, nagsilbi akong mangagamot ng maliit nilang baryo. They even considered me as a priestess dahil daw sa kakayahan ko.

But it's just science and nature's works. Ang mga natutunan ko sa halamang gamot at sa mga sakit na maaari nitong lunasan.

Masaya akong nakakatulong katulad ng kung paano ako tumtulong sa sarili kong panahon, pero ramdam ko ang kakulangan ko sa sarili ko.

**

Ilang gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos, pero nang gabing iyon nagising ako hindi dahil sa panaginip ko tungkol sa aking pinanggalingan kundi sa magaang haplos sa aking noo.

It was Helio.

I felt his tears on my cheeks before he gave me a soft kiss on my forehead.

"Sana'y ako na ang piliin mo sa susunod nating pagkikita, Julie..."

Iyon na lang ang huli kong narinig hanggang sa tuluyan na akong hilahin pabalik sa pagkakatulog.

Inaasahan kong ang mundo ni Helio ang siyang sasalubong sa akin ng umagang iyon, pero natagpuan ko ang sarili kong muling nakatayo sa lumang tindahan sa harapan ng lumang orasan.

Bumalik na ako!

"Nais mo ba ang orasan na iyan?"

Halos mapatalon ako nang marinig ang boses sa likuran. Ang matandang nagbabantay ng tindahan, sa tagiliran niya ay isang babaeng babae na nakasumbrero at nakakapit sa likuran ng mahaba niyang kasuotan.

Marahas akong umiling. Halos madapa pa ako sa pagmamadaling makalabas sa lumang tindahan hanggang sa marinig kong magsalita iyong bata.

"Lola... 'di ba kanina lang ibinigay ni kuya doctor iyong old clock na iyon?"

Doctor?

I was about to look back at the little girl, when a black car stopped in front of the antique shop. Slowly, the door opened and a man in white robe stepped out. He quickly removed his coat and held it on his arms.

"H-Helio..."

Saglit niya lang akong sinulyapan bago niya inilahad ang kamay niya sa may pintuan ng kotse. And then, a beautiful woman stepped outside and smiled sweetly at him.

"I told you not to sell it!"

Helio scratched his head. "Sorry, wife..."

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now