Chapter 88

5.3K 291 15
                                    

The short story is Leeanne Rebuse. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 88

"Let's break up."

Napatulala ako kay Yaniel sa tatlong salitang sinabi niya sa akin. Hinanap ko sa ekspresyon ng mukha niya ang pagbibiro o ang natural niyang pang-aasar sa akin ngunit wala akong makita.

My eyes started to water. Pilit akong nag-iisip ng dahilan kung bakit bigla na lang niyang sinabi ang mga salitang iyon. We've been dating for almost four years, everything was so blissful. Akala ko ay perpekto na kami pero ano itong narinig ko?

I've been hearing rumors about him. Pero matatag ang tiwala ko sa kanya. Higit ko siyang kilala kumpara sa mga taong naririnig kong may ibang sinasabi sa kanya.

I knew him.

Alam kong mahal niya ako dahil iyon ang siyang ipinangako namin sa isa't isa.

"B-Bakit?" halos mangatal na ang boses ko. Hindi ko magawang punasan ang mga luha ko at maging ang pangangatal ng mga kamay ko'y hindi ko na mapigilan.

Masyado na ba akong naging abala sa pag-aaral at hindi ko na siya napansin?

He knew my dedication to my studies. At kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng problema roon.

"W-Why? Why Yaniel?"

He didn't even flinch. Nanatili siyang walang emosyong nakatitig sa akin na parang wala nang kabasagan ang kanyang desisyon.

"I am tired of this relationship, Leanne."

"Is there someone else?"

Hindi siya nagsalita.

"Is there someone else, Yaniel?" ulit ko.

Bumuntonghininga siya. Tumayo na siya mula sa kanyang lamesa habang iyong mga mata niya'y hindi ako iniiwan. "Good luck to everything, Leanne. I had happy memories with you. Thank you."

Iyon lang ang mga salitang binitawan niya sa akin at tinalikuran na niya ako. It was never easy to have a breakup. Halos isang linggo rin akong hindi makakain at makatulog nang maayos dahil sa sakit at paulit-ulit na pag-iisip ng nakaraan. But one week of sadness is enough.

Dahil nang magawa kong iiyak lahat ng sakit, sa halip na ibaon ang sarili sa kalungkutan, mas ibinigay ko ang aking atensyon sa pag-aaral. At sa tuwing nakakasalubong ko si Yaniel sa loob ng campus, sinusubukan kong ipakita sa kanya na tapos na ako sa mga araw na umiiyak para sa kanya.

He's just a man who wasted all those years. I have a woman with dreams, and I shouldn't let it crumbling just because someone chose to leave me.

Nang maghiwalay kami, hindi ko na inalam pa ang posible niyang dahilan. I chose to cry endlessly at nang maubos na iyong iluluha ko, sinabi ko sa sarili kong mas mabuting sa ibang bagay ko lubos na ibuhos ang atensyon ko—my dreams.

Mabilis hinila ang mga oras. Hindi ko akalain na tuluyan ko na ngang makikita ang sarili kong may togang itim.

"Congrats sa ating Cumlaude!"

Sabay yumakap sa akin ang mga kaibigan ko habang masayang nanunuod sa amin ang aming mga magulang.

"Sige na. Mauuna na kami sa kotse, Leanne. Naghihintay na rin ang mga tita mo sa bahay. Magmadali na kayo riyan," sabi ni Mama.

Dahil may kani-kanila na rin mga celebration ang mga kaibigan ko, hindi ko na sila inanyayahan.

"Let's celebrate next time! See you, girls!"

Nagyakapan pa kami bago ako sumunod sa mga magulang ko. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa pinanggalingan ko, may pamilyar na bulto ng lalaki ang humarang sa akin.

A man holding a bouquet of flowers.

"Congratulations, Leanne."

Tinanggap ko ang bulaklak. And when he was about to utter some words, I smiled sweetly at him.

"Thank you! Good luck sa career mo, Yaniel."

He's also a graduate like me.

"Leanne... about—"

Mas lumawak ang ngiti ko sa kanya. "Let's just forget about the past, Yaniel."

Nagliwanag ang mukha niya. "Y-You mean..."

"Our families are friends. At hindi iyon mawawala. Una na ako, ah? We have a family celebration. Thank you sa flowers."

Hindi ko na hinayaan pang may sabihin siya sa akin. If he'll tell me the typical reason that my parents tried to stop him to avoid any distractions for my future, hindi ko na tatanggapin iyon.

I've been an achiever kahit kami pang dalawa. I was not that weak to let my studies crumble for a man. I already knew my goals in life. At pinili niya akong hindi samahan habang pilit kong inaabot iyon.

I am not going to be his girl anymore. 

Ocean of FeathersWhere stories live. Discover now