Stepping Beyond the Starting Line: WattMag's History

490 34 23
                                    

Stepping Beyond the Starting Line: WattMag's History

Topic: History of WattMag_PH

By: YourWattyRebel

Maybe some of you or most of you are actually wondering on how this Magazine started. Well, I’m actually asking myself the same question too. Sadly, there was no answer came out of my mind. But then I realized I have to think how I got this article started.

So here’s the story. Paano nga ba siya nag-umpisa?  Naalala ko na I want to have a Magazine na nagke-cater talaga sa Filipino kasi like 'yong iba puro english, 'di ba? So ayun, naisip ko na why not Filipino?  Why not be the first Filipino Magazine in Wattpad?

Pero nabulok na ang idea ko na gumawa ng Magazine dahil nga meron ng ibang Magazine at isa pa, sabi ko sa sarili ko baka hindi 'mag-click', baka walang pumansin. And I actually mess up with names. Like what name can I give sa Magazine if ever na gagawa ako. Wala kasi talaga akong talent sa pag-iisip ng names or titles. Kaya hindi ko itinuloy until one night someone told me na, “Why not make a magazine?”, kasi raw dahil sa mga ideas ko. I can actually make one. But I told him na ayaw ko kasi may magazine na and then mahirap.

But even I told him na I don’t want to, naisip ko pa rin 'yon. So hindi ako nakatulog. Naisip ko na why not try, 'di ba? So at first hinayaan ko na lang ang idea. Hindi ko na inisip pero one night I can’t sleep. That time, I really need to sleep na kasi maaga ang gising ko kinabukasan pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin 'yong Magazanie. And then nag-isip ako ng magandang name for the Magazine if ever. At naisip ko nga 'yong 'WattMag' which means Wattpad Magazine.

Hindi ko pa sana gagawin dahil matrabaho, maraming kailangang gawin. Kailangan ko pang gumawa ng bagong email pero naalala ko na may email ako na hindi ko pa nagagamit. Kasi dati ginamit ko 'yon to talk to someone tapos I deactivated the account. Naisip ko, sayang kung hindi ko gagamitin kaya wala ng isip-isip pa, tumayo na ako sa kama saka in-open ang laptop ko and started making the Magazine.

Una, pinag-iisipan ko pa kung magpapakilala ba ako o hindi pero naisip ko na h'wag na lang. Kasi ayaw kong mag-promote using my Real Account sa Wattpad which is *my name*. Ayaw kong sumali ang iba dahil kaibigan nila ako. I want you guys to enter the team kasi interested kayo, hindi dahil sa kilala niyo ang nag-invite sa inyo. So ang napagdesisyunan ko na h'wag na lang muna magpakilala.

Decided na ako sa gagawin ko so dinaanan ko ang ilan sa inyo. Maybe five to six lang ang una kong dinaanan at tinanong kung gustong sumali. 'Yong iba ay umoo samantalang ang iba ay dinedma lang ako.

Hinayaan ko lang na i-entertain ko ang mga may questions. 'Yong mga nagtatanong hanggang sa padami nang padami ang sumasali. Una, akala ko matatagalan pa ang pag-uumpisa ng Magazine kasi wala pang masyadong sumasali pero hindi, two days pa lang pero nag-start na ang Magazine. Gumawa na ako ng Facebook at nag-accept na ako ng friend requests. Naghanap ng mga magiging Head at VP at syempre, nakahanap ako ng COO. Ang totoo niyan, ang COO niyo ay kinausap ko using my Real Account that time tapos naisip ko na daanan siya to ask kung gusto niya. Una hindi niya ako kilala and ayaw rin niya so binola-bola ko na lang siya.

At first gusto ko lang talagang pagtripan ang COO natin ngayon na sumali ka ganun ganun and then ayaw niya so binola ko ulit. Sinabi ko na, "Sige na sumali ka na, we can use someone like you. The team needs you," mga ganun kasi na-realize ko na hindi ko rin naman kayang mag-isa. Gusto niyang maging Vice President pa nga noong una pero naging COO. Hanggang sa nahuli niya kung sino ako dahil may mali akong nasabi so nakilala na niya ako and finally pumayag na siya. I won.

And I started the Magazine as soon as possible. Pinasok ko rin dito ang pagiging business-minded ko kaya naisip ko na magkaroon ng iba’t ibang department at naghanap na ako ng possible Vice President ng every department. So ayun, nakahanap naman ako at fortunately, napaka-active at ang sisipag ng mga heads ko.

So the moment na nagstart na, naging busy ang lahat. Ang iba sa pagbe-brainstorm ng topics for articles, iba sa designs at ng mga kung ano-ano pa, like kung paano mapo-promote ang Magazine. Lahat pre-occupied na at sobrang busy sa pagtatapos ng mga kani-kanilang works. Sa sobrang busy nga nila may one time na nagamit ni COO ang real account niya sa pagko-comment sa isang post ng Vice President for Article Writing. Nagulat ako n'un at nagulat din ang COO kaya binura niya agad pero may mga nakakita na but hindi nila agad na-realize na ang Real Account pala ni COO 'yong nag-comment. Tawa kami nang tawa ni B kasi walang nakapansin at the same time nagpapasalamat kami na walang nakaalam na siya 'yon.

At halos araw araw sabog ang Chatbox ko dahil sa mga GC ng iba't ibang department. Pero okay lang, minsan nakikipagbaliw-baliwan nga ako sa kanila. Nanggugulo lang ako sa mga team nila.

That’s the story kung paano nabuo ang team at paano nagkaroon  ng WattMag_PH sa history ng Wattpad. And remember guys, kahit na anong mangyari, kahit na maging inactive lahat ng members ng Magazine, kahit magiba tayo, never kong pagsisisihan na naisip kong buuin ang team na ito. You know why? Because this is the best family an online reader/writer can have.

The unveiling of the best: WattMag_PH - October IssueTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang