Horoscope of the Issue

313 23 31
                                    

Horoscopes of the Issue

Topic: Horoscope

By:  Madam EGStryker

Aries (March 21 -April 19)

• Kung nagdududa ka sa mga taong nagsasabing mahal ka, aba, um-Aries ka na at mangloloko nga iyan. Ang lakas ng loob mangloko eh hindi mo alam, may putok iyan. Oo, alam ko. Alam ko ang lahat. Lagi ngang may ginigisang sibuyas sa leki-leki niyan. Kaya hiwalayan mo na iyan. Basta walang sisihan kapag itong horoscope na ito ang maging dahilan ng paghihiwalay niyo. Wala kaming kinalaman dito. Walang-wala.

Taurus (April 20 - May 20)

• Samantalahin mo ang magandang panahon kung may nais kang tapusin na projects, kasi kung hindi, maaabutan ka ng deadline ng prof mo. May surprise deadline pa namang binabalak iyan bukas. Tapusin mo na agad, sige ka, babagsak ka. Kung magiging panget man ang panahon bukas, isang senyales iyan na nasa good mood ang prof mo at hindi na itutuloy ang surprise deadline. Kung itinuloy pa rin ng prof mo, surpresahin mo rin ng baril at paputukan mo. Pero ang lalabas eh tubig, gusto mo lang talaga takutin prof mo para bigyan ka ng mataas na marka.

Gemini (May 21 - June 20)

• Ipaalam mo sa lahat na ikaw ang masusunod kasi ikaw ang boss, ikaw ang batas! Wag kang magpaniwala sa mga sipsip, may mga lahing linta iyang mga iyan baka maubusan ka ng dugo pag dumikit ka sa kanila. Utuin mo sila, sapagkat madali lang naman silang utuin. Pero paano kung hindi maiiwasan? Ipakita mong isa ka ring linta at makakamit mo lang ito gamit ang pagko-cosplay. Kaya't humayo ka at magpakalinta.

Cancer (June 21 - July 22)

• Ang gabi ay para sa pagtulog at pamamahinga, pero hinay-hinay lang at baka magtuloy-tuloy. Huwag muna, please, marami ka pang pangarap at marami pang nagmamahal sa iyo. Isa na ako roon, ikaw lang, sapat na. Sa umaga naman ay magtrabaho ka, dahil kapag napangasawa na kita, hihingi ako sa'yo ng pera pang mahjong sa kanto.

Leo (July 23 - August 22)

• Kasalukuyan nang pinaglalamayan ang utak mo ngayon, kailangan mo raw kasi mag-isip paminsan-minsan, lalo na't hindi mo pa rin alam sa sarili mo kung ano ba talaga gusto mong marating at gusto mo sa buhay. Ano ba ang problema mo? Pag-usapan nga natin ito sa labas, huwag dito. Huwag ka kasing maangas, tol! Ayusin mo iyang mga tingin mo, nakakaloko eh.

Virgo (August 23 - September 22)

• Masuwerte ka ngayon, kalimutan mo na muna ang mga problema mo. Bumangon ka sa lusak ng iyong hinagpis, dahil lalo mo lang ibinabaon ang sarili mo sa pagkakalugmok. Ah, basta, susuwertehin ka. Paano ko nasabi? Wala lang, nararamdaman ko lang. Iba kasi tunog ng Virgo, parang de lata.

Libra (September 23 - October 22)

• Masyado kang serious, take a break ka muna sa mga bagay-bagay. Wala tuloy gustong sumama sa iyo kasi akala nila lagi kang nag-aamok ng away. Chill chill ka lang sa tabi, tapos inuman, onting yosi, kwentuhan sa mga tricycle driver, mang-alok ng beer sa mga dadaan. Kapag pumalag, aba banatan mo! Ang KJ kasi.

Scorpio (October 23 - November 21)

• Marami ang nagpapakita't nagpaparamdam ng pagmamahal sa'yo. Minsan ay bubusugin ka nila sa atensyon na labis mo namang ikagagalak. Lapitin ka kasi ng mga tao, pero sinasabi ko sa'yo, layuan mo na sila. Ikaw ba, hindi ka pa magtataka kung bakit bigla-bigla na lang may lalapit sa'yong tao? Hoholdapin ka niyan! O kaya uutangan ka lang. Ibayong pag-iingat ang kailangan.

Sagittarius (November 22 - December 21)

• Wala akong masabi sa mga Sagittarius ngayong buwan. Pauulanan kayo ng suwerte, napakagandang kinabukasan ang kakaharapin niyo sa buong buwang ito at sa mga susunod pang buwan. Baka makatagpo ka na rin ng iibigin mo. Ganyan ka kasuwerte. Minsan pa nga'y nakikita kong makakapulot ka ng buong isang libo sa daan na parang sinasadyang sa iyo talaga ito. Hindi ako bias, hinding-hindi. Huwag kayong makulit at hindi nga. Tsismis lang iyan na pinakalay ng nag-iinom na mga Libra.

Capricorn (December 22 - January 19)

• Maraming problema ang mga tao, nasa tao kung gaano niya didibdibin ang mga problemang iyon. Kung may kasamahan ka namang magdadagdag pa ng problema sa iyo, dibdiban mo na. Ang dami-dami mo nang problema, dadagdagan niya pa? Huwag nga siya!

Aquarius (January 20 - February 18)

• Habang nagtititigan kayo ng mahal mo, at ibinaba niya ang tingin niya sa iyong mga labi, huwag kang assuming. Napansin niya lang na namamalat na iyang labi mo at nagtutuklapan na. Na El Nino ang labi mo.

Pisces (February 19 - March 20)

• Magiging masuwerte rin ang buwang ito para sa mga kapatid nating Pisces. 'Yong kapatid na Pisces mo lang ah, hindi ikaw. Iyang ate o kuya mo na Pisces ay manglilibre ng two Pisces of chickenjoy. Hindi ako nagjoke. Hindi ako ang nagsulat nito. HINDI AKO YAN!

The unveiling of the best: WattMag_PH - October IssueWhere stories live. Discover now