Kyungjun: An Alien from planet Kepler

305 27 17
                                    

Kyungjun: An Alien from planet Kepler

Topic: Featured Member

By: starsandskittles

Kilala niyo ba ang Power Ranger? Eh ang Pokemon? Kilala niyo ba si Lunar Ranger? Si Zekrom?

Alam niyo ba na iisang tao lang sila?

Una ko siyang nakilala bilang si Lunar Ranger. Isa sa mga member ng Power Ranger ng Wattpad. Si Warren o mas kilala sa username na @kyungjun. Kung minsan, alien ang tawag sa kaniya dahil alien daw siya ayon din mismo sa kanya.

Noong nagtanggal ng mga helmet at baluti ang mga Ranger, nag-evolve sila at naging mga Pokemon Gijinka. Siya na ngayon si Zekrom. Pokemon po si Zekrom. Pokemon number 644. Ayon kay Warren, hindi niya kilala noong una ang napiling pokemon niya. “Nakita ko lang ang future self ko, isang dark, cool, mysterious, handsome at legendary”, ang sabi niya sa Tagay Tayo author.

Warren turned 16 last September 11. Naninirahan siya sa Cavite.  Paborito niya si Taylor Swift. Mahilig din siya sa Korean Drama. Writer since 2012 na siya, iyon ang sabi niya pero 2014 lang siya nagsulat sa WP. “Simpleng bata lang naman ako na nangangarap nang marami. Gusto kong magkaruon ng kaibigan. Ayoko sa judemental. Ayoko sa mga nagpifeeling mature. Hindi pa ako binate, nagbibinata pa lang kasi ngayon pa lang sumusulpot ang mga tigyawat. Mahilig ako magdrawing, magbasa, manuod ng TV, maggitara, magpiano, magresearch ng mga nakakatakot na bagay. Mahilig ako sa adobo, basta wag manok. Minsan ko nang naranasan maging heartthrob pero hindi ko napansin dahil bata pa ako nun. Singkit ako pero hindi gaya nila Manolo, Sir Chief at mga iba, medyo parang pusa eh. Takot ako sa Japan dahil sa mga urban legend nila.”, sagot nya sa isang interview noon tungkol sa mga Ranger.

Marami na siyang nasulat sa Wattpad. Ilan sa mga gawa niya ang “Haiku ng Alien”, compilation ng mga gawa niyang haiku at may rank sa Poetry category ng WP; “Mga Kalokohan ni Kyungjun”, randomness about him; at “Ang Dalawang Daddy ni Kitty” na tungkol sa dalawang lalaki na naging tatay dahil sa napulot na bata.

Mabait naman kausap si Warren. Hindi siya snob. Pero dahil hindi siya online ng mga oras na kailangan ko siyang kapanayamin (at top secret pa ito) naging stalker niya ako. Mabuti na lang at nasa iisang grupo kami kaya kilala ko na rin siya.

At kahit naka-stalker mode ako sa kanya, nagawa ko pa ring humingi ng mensahe para sa mga followers at readers nya. Eto ang kanyang mensahe:

Yo! I really don’t know what to say since I’m not good with things like this but, thanks. Haha.

Thanks a lot if you keep reading all those crap that I’m doing with all your heart and thanks for giving lots of your time instead of doing something productive. Haha!

I really appreciate all the votes, comments and reads that you all are giving me. I didn’t even imagine having lots of readers with those crappy works of mine, so... yeah. I really don’t know what to say... Haha!

I’ll end this crap with one of my favorite haikus I’ve made.

*****

If ever I can do,

Choose who I will end up to...

I WILL POINT AT YOU *wink*

*****

‘Til next time buddies! Thanks a lot! :DDD

PS: Warren, nagpaka-stalker si Ate para sa iyo. Sana okay sa iyo itong gawa ko.

The unveiling of the best: WattMag_PH - October IssueWhere stories live. Discover now