The Trifecta of Faking Confidence (Part 1 of 3)

311 27 35
                                    

The Trifecta of Faking Confidence (Part 1 of 3)

By: MrAwesomeOne

 

Hi MGA KAWATTMAG! Your ever so Awesome COO here. At misyon kong magpaulan at magpabagyo ng kabalbalan at kasigaan sa buong Wattpad Universe! Ang article na ito ay maglalaman ng tips, tricks at secrets so you can be as Awesome as yours truly! Kaya bilang pangunahing paambon ay huhugot ako ng ilang patak mula sa aking utak na puno ng kulay, hiwaga, misteryo at kung ano ano pa!

Sa mga hindi nakakakilala sa akin, I may sound a bit snobbish, obnoxious or braggadocious; kung ganoon ang impression nyo sa akin, SALAMAT! Dahil I proved my point exactly! Umaapaw siguro ang awesomeness ko kaya ganoon ang nakikita nyo.

Sa mga taong malalapit naman sila sa akin, ito ang mga trade secrets behind my whole personality. Kaya nawa'y magamit nyo din ito at lumakas pa ang ka-awesome-an ninyo!

Pero bago ako magsimula, I don't want to give my ever so supportive na mga KaWattMag the wrong impression na self centered ako. Baka isipin nyong narcissistic o egocentric ako, kaya bibigyan ko muna kayo ng kaunting back story.

Hindi po ako awesome dati. Isa akong goody too shoes na hopeless romantic. Madalas po akong ma friendzone dati. Malaki akong tao at napaka-clumsy. Ako ay napaka-shy at hindi komportable sa aking physical appearance ngunit alam kong mayroon akong kapasidad. Na mayroon akong angking “kagalingan o karunungan” sa ilang bagay bagay. Kinakailangan ko lamang matutunan linangin o i-harness ito para mas maging confident.

Hindi naging masaya ang High School Life ko. Oo nga at consistent honor student ako. Oo nga at naging student council President ako. Ngunit ang totoo, mayroon akong deep seated insecurities. Hindi kasi ako habulin ng babae noon, hindi naman ako pangit. Sa katunayan, yung mga kaklase kong mas gwapo pa ang aking siko ay MAS habulin at kinakabaliwan ng mga babae. So hindi ko talaga magets.

Dumating ang kolehiyo at unti-unti na akong nag eevolve. Mas mature na kasi ang mga tao dito. Mas walang pakealaman kumbaga. Sumali ako sa debate club at kinabog ang aking stage fright. Nagpapogi at gym para maging physically attractive. Naging masaya ako, ngunit parang may kulang pa din. Kumbaga nakuha ko na ang tamang ingredients ngunit kulang pa din ng “flavor” o wow factor.

At pagsapit ng 2013. May nadiskubre akong mga “mapa” patungo sa “susi” ng pagiging confident. Ang hinahanap kong kayamanan all my life ay nasa loob ko lamang pala. Nasa harapan ko na pala ang sagot...

Aking napagtanto o narealize dahil sa tulong nung mga “mapa” na aking pinag-aralang maigi na True Confidence comes from with in. Bilang panimula, you Fake Confidence at unti unti itong magmamanifest sa iyong personalidad.

Kaya sa unang parte ng ating 3 Part Special of Faking Confidence, ay magfocus tayo sa Body Language.

1. STAND UP STRAIGHT!

Nothing shows confidence like standing up straight! Pull your shoulder blades down and back as far as possible to force your torso up and your neck back. Stomach in, chest out and never, ever slouch! A good posture manifests a look of “I'M A AWESOME!” While slumping over with your head drooping down gives the impression that you are bruised, battered and defeated!

Kaya mas gugustuhin mo na lang umiyak at magmukmok sa isang sulok.

*Try pressing your back and buttocks against the wall with your hands tucked behind your lower back. Hold it for at least a minute or two. Walk around while keeping this posture. Do this at least once everyday and you'd be having perfect posture in no time!

2. MAKE GOOD EYE CONTACT!

Show people that you are listening to them and that you are actually paying attention by making good eye contact. But don't stare at them the entire time as if you're a serial killer plotting a vicious killing spree starting with them. Take break away when gestures are highlighted or when you think it is needed. But always return to looking them in the eye.

Nagpapakita kasi ng confidece ang eye contact kapag nakikipag-usap ka. Pinapalabas mong naniniwala ka sa mga salitang nangyayari sa iyong bibig at naiintindihan mo ang mga salitang nais iparating ng iyong kausap.

*Try staring contests with strangers. (I know its weird but trust me on this, just be careful on who you're gonna start a stare down with) Try to keep looking at them until they look away first.

3. RELAX!

A nervous person who doesn't feel confident is fidgety and tense. A person who exudes confidence is relaxed and loose. An individual oozing with confidence should remember the 3 C'S: Cool, Calm and Collected. Focus and visualize on what body part you're feeling anxiety; just take 3 deep breaths and count to 10. Remove your tension from every body part.

Sabi nga ni Taylor Swift, JUST SHAKE IT OFF! SHAKE IT OFF!

*Try having some alone and quiet time with just you and your thoughts. Meditate. Empty your mind of stress and have a good rest. Go to a spa, pamper yourself. Do anything that can make you relax.

4. POWER WALK!

Are you guys familiar with Joseph Gordon-Levitt's power walk with matching Hall and Oates' Hit song  “You Make My Dreams Come True” background music after his “conquest” in the movie 500 Days of Summer? He seem so awesome right? So from now on incorporate your own style of swaggering by mastering the art of power walking! Sway your arms, keep your posture straight and let your feet guide you to where you're going.

Maglakad ka na para kang nanalo sa lotto. Maglakad na para bang ikaw ang pinakamabangis na tao sa balat ng lupa!

*As much as possible, keep your music player ready and some trusy earpiece. Make your own “Power Walk Playlist” and feel the change in how you see things! I personally, mix rock and roll and some rap songs into my “Pumped Up Playlist” everytime I go somewhere. From Fall Out Boy's My Songs Know What You Did In The Dark to Maroon 5's Moves Like Jagger; walk like you mean it!

Ayan ang ilang tips para sa unang kabanata ng aking Guide to Awesomeness! Sana'y makatulong ito sa inyong transformation. Ipractice nyo na ang mga body language techniques na ito at unti unting baguhin ang inyong pananaw sa buhay towards an awesome and better you!

Kaya magkita kita na lamang tayo sa susunod na issue mga KaWattMag! At katulad nga ng lagi kong sinasabi,

Ang Bumangga, Giba!!!

 

The unveiling of the best: WattMag_PH - October IssueWhere stories live. Discover now