Pagdadalamhati ng Pusong Sawi

171 20 2
                                    

Title: Pagdadalamhati ng Pusong Sawi

Topic: Para sa mga broken hearted

Written By: risingservant



Maari mo ba akong bigyan kahit na kaunting pag-asa?

Upang hilumin ang puso mong puro pasa na?

Hindi naman ako gaya ng iba na isang pa-asa

Sana naman, puso mo'y aking muling mapagana



Sa pagsulyap ko pa lamang sa iyong mga mata

Puso ko'y binihag mo na

Hindi ako nagdalawang isip na lapitan ka

Lalo na't napansin kong mabigat ang iyong dinadala



Inabot ko sayo ang paborito kong panyo

Inaming nabihag mo agad ang aking puso

Pero ang pag-ibig ko sayo'y napako

Matapos bitawan ang katagang lumaslas sa aking puso



Ang tainga ko'y nagpanting

Para akong sinalakay ng isang libong pating

Iniisip kong sana'y isa na lamang akong daing

Para hindi na ako makaramdam pa ng hinaing



Hindi ko naman paglalaruan ang iyong puso

Hindi ko rin ito sasaktan na parang isang tuso

Bagkus, ako ang magtuturo

At pipigil, upang ito'y hindi na dumugo



Ang gusto ko lang naman ay mapasaya muli kita

Tulungang makalimutan ang mga nasawing ala-ala

Kaya sige, hahayaan ko muna ang puso mong magpahinga

Hanggang sa mapagtanto mo na ako'y mahal mo na

WattMag: Spooky November IssueWhere stories live. Discover now