Simplicity is Beauty

181 18 2
                                    

Topic: Morena vs. Mestiza
By: CheekySis_11

'SIMPLICITY IS BEAUTY'



Morena vs. Mestiza, sino nga ba ang mas maganda? Maraming Pilipino ang bumibilib sa mga Hollywood Actors/Actress, ginagamit na cover ang mga Koreans, pero bakit maraming umaayaw sa mga Pilipino ang covers? Dahil ba, local tayo?

Mestiza parang si Marian Rivera. Morena parang si Pia Guanio. Sa tingin niyo kapag nag- survey tayo, sino ang mas pipiliin? Ang mga solid Pilipino, si Pia Guanio ang pipiliin, pero maraming Pilipino ang pipili kay Marian Rivera dahil sa angking ganda at talento nito sa iba't ibang larangan. Napapansin niyo ba na kapag may 'face-off' ang mga artista, puro mestiza ang nasa isang picture at kapag nilagyan mo ng morena para siyang out of place? Hindi po tama ito. Lahat ng tao ay may angking ganda. We have our own styles nga lang. Mapa- mestiza man or mapa- morena, dapat pantay lang ang pagtingin natin sa kanila dahil pare- parehas lang naman tayong tao na ginawa ng Diyos at sa mata ni God, we are all equal.

Napansin natin na may nagpapaputi at may nagpapa- tan. Bakit nga ba? Tanggapin natin ang ibinigay sa atin ng Diyos at maging kontento. Ang totoong kagandahan ay nasa loob, hindi lang nasa panlabas na anyo.

WattMag: Spooky November IssueWhere stories live. Discover now